Pader na kay linis, walang halong dungis Pintura'y nilapat, at iginuhit sa pader Simbolo't katagang walang katuturan, at kabuluhan Dinungisan ang pader at walang paki alam
Anong karapatan mo dumihan ito ? Sakop paba ito ng prebelehiyo mo? Pagawa mo bayan , sayo bayan? Wala kang karapatan gawin yan?
Marahil ang ilan turing dito ay sining Ngunit May ilan ring turing dito'y dumi sa pader
Aktibista madalas ang mga nagdudungis ng pader
Mga Skolar ng bayan pa namang maituturing
Pera ng Gobyerno ang nag papaaral sa inyo
Ang isusukli sayo Rebolusyon at aktibismo
Marami nang estudyanteng nalinlang nyo
Nag aral at Nagtapos, Naging rebelde laban sa gobyerno
Sa halip na serbisyo para sa bayan,
Isinukli'y Pambabatikos at Puro hinaing para sa bayan
Ngunit sila mismo walang ambag na nagawa para sa bayan
Nakakalungkot man isipin, Kung anu ang kanilang pinaglalaban
Ika nga ni Heneral Antonio Luna
Ang tunay na kalaban nating mga Pilipino ay hindi ang mga mananakop na kastila
Kundi ang ating mga sarili !
Na kung ihahambing sa kasalukuyan
Hindi ang gobyerno ang ating kaaway kundi ang ating mga sarili
Kaya Tayo mahirap kasi ginusto natin ito.
Kaya may mayaman dahil pinaghirapan nila yan
Tayo ang gumagawa ng kapalaran natin hindi ang gobyerno!
Kayo mga kapwa Pilipino Sining ngabang maituturing o bandalismo?
Sining o Bandalismo ?
Yeah! Dinudungisan lang nila ang napakagandang paligid para sa walang kabuluhang bagay