Respeto

2 74
Avatar for Oslec08
4 years ago

Salitang masarap pakinggan ngunit hindi madaling makuha, bakit ko nasabi? Simple lang ang sagot, ang respeto hindi hinihingi kusang binibigay paano ka rerespetuhin ng isang tao kung ang ugali mo’y hindi maganda tingin mo ba karespe respeto ka, kung tingin mo deserve mo ang salitang respeto pero ang ugali mo hindi ikaw ang may problema hindi ibang tao. Maraming paraan kung paano anihin ang salitang respeto sa tao, hindi binibilang sa kabutihang nagawa mo sa kapwa o ano pa man. Binibigay yun sa kung ano ka sa lipunan. Matanong kita tingin mo deserve mo ba respetuhin ka ng tao?

Kung nung una naging humble ka pero nung binigyan ka ng katungkulan sa isang komunidad o forum world saka nagiba ugali mo, in short lumaki ulo mo tingin mo karapat dapat kang respetuhin, kung tingin mo “OO” ang sagot mo isa lang masasabi ko, humarap ka sa salamin tapos tanungin mo sarili mo kung karapat dapat kang respetuhin ng iba. Dahil sa ganong paguugali na meron ka nagkaron ka ng “haters” na hindi mo alam kung ilan sila, huwag mo na balak bilangin pero alam kong marami sila kaya kung ako sayo magisip isip ka kung sinu-sino ang haters mo dahil sa paguugali mo.

Kung ang ginagawa mo sa tuwing papasok ka sa isang forum world o group page at kung anu-ano pa at panay repost o share ng memes na walang kwenta tingin mo deserve mo ba na irespeto ka ng tao, kung sa ibang tao galit ka dahil sa mga post nila sa totoo lang halos pareho kayo ng ginagawa minsan sumasawsaw ka pa sa issue at pag nabara ka nanggagalaiti ka na may kasama pang mura, tandaan ang bawat post sa social media pwedeng ikasira ng pagkatao masakit mang tanggapin pero yun talaga ang totoo kaya nga may reminders lagi na “think before you click”

Halimbawa may nakita kang post pero ang picture malaswa tapos ang caption eh “please respect po” ginamit pa talaga ang salitang “respect” pero ang picture basura, in short magagalit kapag binastos ng iba, sabi nga ng iba paano ka rerespetuhin ng iba kung ang sarili mo hindi kayang respetuhin, uulitin ko ang respeto hindi hinihingi, kusang binibigay yan at hindi mo kailangang mamalimos ng respeto sa iba ano ka pulubi.

Kung ang ginagawa mo araw- araw eh mang bash ng ibang tao at tingin mo ikaw ang laging tama tingin mo rerespetuhin ka ng tao, isang malaking kalokohan kung sasabihin mong “oo deserve ko ang salitang respeto” magmuni muni ka at isipin mo kung bakit deserve mo talaga hindi yung bigla mo na lang sasabihin na ganon kasi kung ganon ka magisip parang nabubuhay ka sa isang ilusyon na ikaw lang ang nakakaalam at tingin mo ikaw ang laging tama, tandaan mas okay ang mapagkumbaba at aminin ang pagkakamali kesa ang pagiging mapagmataas dahil ang pagiging mapagmataas walang natutulong na mabuti.

Kahit tanungin ka na kesyo “bakit hindi mo nirerespeto si ano eh ganon talaga siya”
Hello! Ang tanong karespe respeto ba siya kung wala siyang modo o kung ano pa, pagisipan mong maigi lahat ng sinabi ko, wala akong pakialam kung dumami haters ko dahil sa mga sinabi ko, hindi ko naman ikakayaman yan at hindi ko kailangan ng respeto ng iba, kaya ko namang anihin yun ng hindi nanlalamang sa kapwa ko ang importante ay mahalaga eh nasabi ko ang nais kong sabihin dahil yun talaga ang realidad sa mundong ginagalawan natin, masakit man o hindi kailangan pa rin na maging patas sa iba, kung tingin mo hindi ka patas eh good luck, kung alam mo ang salitang “Law of Karma” magisip isip ka ngayon pa lang.

Tatanungin kita, tingin mo deserve mo ang salitang respeto?

3
$ 0.00
Sponsors of Oslec08
empty
empty
empty
Avatar for Oslec08
4 years ago

Comments

oo naman deserve ang salitang respeto . kase kapag wala ka nyan wala kang kwentang tao . jan nakasalalay ang pagiging tao mo.. kung wala kang respeto sure na di ka din rerespetuhin ng iba . walang mag mamahal sayo

$ 0.00
4 years ago

Tama yan kaibigan, yan yung tinatawag natin na "law of reciprocity" ni rereciprocate natin kung ano yung trato sa atin, kung mabuti ang trato sa atin we tend to reciprocate it with good act. Kaya kung masama ugali ng tao wag siya mag taka kung bakit di rin siya tinatrato ng mabuti.

$ 0.00
4 years ago