Umiwas sa Masamang Bisyo

0 5
Avatar for Onin
Written by
4 years ago

Maraming tao ngayun sa ating mundo ay may kanya kanyang bisyo o tinatawag ngang masasamang bisyo. Tulad nalang ng labis labis na pag-inom ng alak o paglalasingan, paninigarilyo at ang pag abuso sa droga. Dapat nating itong iwasan dahil malaki ang epekto nito sa ating katawan at lalo sa mga nakapaligid sa atin.

Tulad nalang halimbawa, naninigarilyo ka sa mga pambublikong lugar at maaaring malanghap ng mga nakapaligid sayo ang usok na nanggagaling sa sigarilyo, ang usok na ito ay tulad ng droga na sumisira sa iyong katawan. Sa labis labis na pag-inom ng alak naman ay nakakasira din ng ating katawan dahil di mo makokontrol ang sarili mo kung labis ang iyong pag-inom.

Sa droga naman, ginagamit nila ito para mawala ang kanilang stress o kahit ano ngang problema nila pero may panganib ito. Habang lalo kang nalululong sa droga, lalong humihina ang iyong katawan at maaari pa ngang humantong sa kamatayan. Kaya pinag-iingat tayu na hangga't maaga pa ay iwasan ang masasamang bisyong ito tulad ng nabanggit. Dahil kung iiwasan mo ito, mapapabuti ka at magiging maligaya ang iyong buhay.

3
$ 0.00

Comments