Mapanganib ba ang video game?

2 2
Avatar for Onin
Written by
4 years ago

Maraming laro ngayun o tinatawag na video game ang usong uso sa ngayun sa mga kabataan.Magagawa mo rito ang mga bagay na hindi mo kayang gawin sa totoong buhay ,kaya kung gagawin mo man ito maari ka ngang mapahamak o mapasubo sa gulo. Pero may babala kung lagi kang naglalaro ng video game, maaari nitong ubusin ang iyong panahon at maaari ka pa ngang maadik dito.Hindi lamang basta high tech ang mga laro sa video game ,maaari nitong masubok nito ang kasanayan mo at pwede rin itong pang alis ng pagkabagot at hindi lamang yan ,pwede ka rin maging alisto at pwede ring mapasulong ng mga larong ito ang iyong mga skills o mga talento..Bukod dyan, may mga bagong laro ngayun ang pinagkukwentuhan ng mga estudyante sa paaralan. Kaya nalaro mo na ito,maaari kang makasali sa usapan nila..

Pero kung mag-iingat ka sa pagpili ng libangan, tiyak na makakahanap ka nang larong makapag eenjoy ka na hindi mahalay o marahas.Pero bakit kailangang mag-ingat sa pagpili ng libangan?

Alam mo,mayroong laro ngayun nakakasama sa isang kabataan. Maraming mga bagong laro ngayun ang nagtatampok ng karahasan o mahahalay o minsan naman ay nagtatapok ng mahika na galing sa diyablo na talagang nakakasama na laruin ng isang kabataan.

Kaya pagnaglalaro ka ng ganitong mga laro ,para na ring ginagaya mo ang karakter sa mga nilalaro mo dahil ikaw ang kumokontrol sa kanila ,at maaaring magawa mo rin ang ginagawa ng karakter mo sa isang video game .Katulad ng mga larong nagtatampok sagupaan ng mga gang, pang abuso sa droga ,imoralidad ,mga mahika,kahalayan ,malalaswang pananalita o eksena at labis labis na karahasan .Kaya talagang nakakasama ang mga bagong laro sa ngayun. Kaya kailangan nating maging mapamili sa ating lalaruin.

Sa ibang laro,nagiging katanggap tanggap na ang espiritismo.At maaaring nahaluan na ang mga laro pagdating sa karahasan o kahalayan.Marami ngayun na bagong video game ang mararahas na pwede nang malaro sa internet ,kahit nasa bahay ka lang at may computer o anumang gadget at internet sa bahay ay maaaring mo na itong malaro at marami sa mga kabataan ngayun ang naeengganyo sa mga larong ito.

Mayroon pang isang laro ang naging popular sa ngayun ,kung saan pwede kang gumawa ng isang karakter na kinokontrol sa magandang daigdig na nilikha nga sa internet at mga nagiging mga kalaro mo ay nasa iba't ibang oanig ng daigdig at pwede nyo rin paglabanin ang iyong karakter habang nagbabatuhan sa isa't isa ng mga malalaswang pananalita o maduduming pananalita. At sa larong ito pwede kayung mahanap ng magiging team nyo sa laro. At maaring ang maging kalaro mo ay mga adik sa droga ,mahilig sa karahasan ,imoralidad ,mga sindikato at maaari ring mamamatay tao pa nga. Kahit pa ngang hindi nila ito gagawin sa totoong buhay pero may panganib pa rin ang masasamang larong ito sa video game.

Kaya naman layuan mo ang gantong uri ng laro sa computer o anumang gadget dahil malaki talaga ang epekto nito kung sakaling maadik ka sa larong ito. Ang sama ng epekto ng maraming laro sa ngayun sabi ng isang kabataan. Nagiging manhid ka sa karahasan,malaswang pananalita at paggawa ng imoralidad,kaya hindi malabong madala ka sa mga tuksong ito. Kaya dapat talaga kang maging maingat sa pagpili ng video game.

Katulad nalang ,halimbawa ng larong mobile legends na ngayu'y maraming kabataan ang naeengganyo sa larong ito. Galit na galit pa nga sila kung minsan kapag may nang-iistorbo sa kanilang paglalaro. Yung iba, kahit na inuutusan na ng magulang ay sige pa rin sa kanilang paglalaro, pawang di na nila sinusunod o pinapakinggan ang kanilang mga magulang. Yung iba naman ay kapag natalo sa isang laro ay naibabato nila ang kanilang gadget kung minsan. Meron ding kabataan ang nagpapalipas na nang gutom para lang makapaglaro .Yung iba naman ay nag-uubos ng pera para lang tumaas ang level o mapalakas nila ang kanilang paglalaro. Kaya talagang malaki ang epekto nito sa buhay ng kabataan sa ngayun. Maramiang sumusuway sa kanilang mga magulang, nakapagsasabi ng maduduming pananalita at lalo ang pakikipag-away sa kapwa kalaro. Kaya naman pinag-iingat tayu at lumayo sa larong ito.

Kaya pumili kayu ng may katalinuhan sa inyong mga nilalaro. Hindi naman kayu pinipigilan sa inyong paglilibang kundi pinag-iingat kayu sa epekto ng mga larong itoat maging mapamili. Hanggat maaari ay piliin lang ang mga larong nakapagpapasulong sa inyong skills o talento.

Tips Para makapamili ng mabuting laro.

*Gumawa ka ng talaan sa video game na nais mong laruin at isulat dito ang mga goal ng laro.At isulat mo ang ginugugol mong oras sa paglalaro. Saka po isipin kung angkop nga ba itong laruin at kung makakabuti ito sa iyong isipan..

1
$ 0.00
Avatar for Onin
Written by
4 years ago

Comments

Mapanganib nga ba ang video games? Well, nakadepende ito sa naglalaro. Kasi ang video games ay ginawa bilang pampalipas oras lamang. Yung iba naman ay ginagawa itong pagkakakitaan like streaming. Mapanganib ito kung ikaw ay naglalaro 5 to 10 hours a day. Sobra ng pagka adik sa video game pag ganun. Nakakasira ito sa mata because of radiation even yung mga nerves and movement. Pati na rin hygiene sa sarili. Lahat ng bagay ay may positive and negative effect. Great article by the way.

$ 0.00
4 years ago

Nasa gumagamit din naman, walang mapanganig sa laro sa totoo lamang, ang pag lalaro ang focus nun ay ma ingganyo ang kabataan maski matatanda nadin, wag mag focus sa maling pananaw dahil pananaw mo lamang yan, mas mabuting magbigay halimbawa sa maling gawain ng manlalaro hindi yung laro yung ginagawa mong salarin sa mga nakalap mo sa internet.

$ 0.00
4 years ago