read.cash Log in
@Nylydal edited

Imposible

Araw-araw sa loob ng limang taon lagi ko silang nakikitang magkasamang nagtatawanan, naglalakad sa kalsada na magkahawak kamay, magkaangkas sa motor na nakayakap si girl, bibili sa tindahan na magkasama, hindi halos naghihiwalay. Sa social media nga panay ang post ng kasweetan nila, minsan naiinggit na ako kasi wala kaming ganon, napapasana all na lang ako. Nandiyang nasa bakasyon sila sa tabi ng dagat, nakasandal si girl sa boy habang palubog ang araw, napakaromantiko naman. Minsan nakapost mga kamay lang nilang magkahawak, si girl nakakiss kay boy sa pisngi, si girl pinagluto si boy ng paborito nitong spaghetti, sabay silang kumakain sa fast food. Hindi sila nawawala sa news feed ko. Sobrang open ang relasyon nila sa publiko. Ni hindi ko nakitang nag-away sila o nagkatampuhan man lang. May ampon na nga silang aso, yun ang baby nila kasakasama sa mga lakad nila.One happy family. Tapos kanina nakita kong nag post si girl about closure. What! wala na sila? limang taon din yun a! Tanong ko anong nangyari? Wala akong maisip na dahilan kung bakit sila naghiwalay kaya naisipan kong estalk si boy sa social media account niya, ngek!!anak ka ng nanay mo! bat wala man lang si girl sa mga post's niya samantalang sa account ni babae siya halos laman non. Narealize ko malamang hindi kagaya ng alam ng lahat ang estado ng relasyon nila.Malamang si ate girl lang tunay na nagpahalaga. Malamang sobra siyang nasasaktan ngayon. Payting!!Nawala bigla yung inggit ko. Wala man kaming masyadong moments na nakabandera sa madla, wala man kaming larawan na magkahawak kamay o naghahalikan, masasabi kong walang makakatibag ng tiwala, pasensya at pagmamahalan namin.

1 comment

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.