Nag-iisa
.
I
Sumisilip ang buwan sa kalangitan
Di ko alam kung ako ay nasaan
Wala akong kasam dito sa upuan
Habang tinitignan ang sikat ng buwan
II
Pinakikinggan at nagmasid sa paligid
Dahan-dahan mga bituin'y umuukit
Dito nag-iisa sa ilalim ng langit
Ang mga bituin ay palaging nangungulit
III
Ako'y nag-iisa dito ngayon
Naghihintay sa inyo buong maghapon
Inaasahan ko, kahit isa sa inyo ay dadating
Pero bakit wala, ni isang maliit na kuting
IV
Siguro, wala akong kwenta na tao
May interes ba sila sa katulad ko?
Mayroon naman, pero 'pag may kailangan
Sumpain sana kayo ng kaitaastaasan
V
Habang pinagmamasdan ko ang kalangitan
Mga ulap ay humaharang sa buwan
Alam ko na susunod na ang ulan
Pakiusap naman ako'y inyong lapitan
VI
Share ko lang, ako'y nababasa na dito
Share ko lang, 'lang ibang tao dito
Nasaan na ba kayo?
Ba't di ko mahagilap kahit anino
VII
Kahit na mahirap ay gmagapang
Sinasagip ang sarili at tumatapang...
👏👏