May Satellite sa Space ang mga Pinoy!!! Diwata 1
Maniwala kayo o sa hindi, mayroon nang satellite ang mga Pinoy sa kalawakan. Pinangalanan itong Diwata-1 na hango sa sa mythological creature ng mga Pilipino na nagngangalang Diwata.
Ang Diwata-1 ay dinisenyo at ginawa mismo ng mga Filipino Engineers sa tulong na rin ng Japan’s Tohoku University at Hokkaido University at Japan Aerospace Exploration Agency.
Ang microsatellite na Diwata 1 ay ipinalipad sa kalawakan noong March 23, 2016 in Philippine Time, sa Space Kennedy Center sa Florida USA. Ginamitan ito ng Atlas V Rocket na may dalang Orbital AtK Cygnun OA-6 Spacecraft, which means ito ang gagamitin upang i-deploy ang Diwata-1 sa orbit na 400km sa ibabaw ng Earth's Surface.
Ano nga ba ang gawin ng Diwata 1 sa space? Magtake ng selfie pangkalawakan ang buong Pilipinas?
Ayon kay Dr. Carlos Primo David ng Department of Science and Technology, ang Diwata 1 ay maaring gamitin sa pagkuha ng impormasyon ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration o PAGASA sa mga bagyo at abnormlities ng weather kagaya ng El Niño.
Maari ring gamitin ang satellite sa pagmonitor ng ating territoryo sa West Philippine Sea, bilang bantay sa seguridad ng soberanya ng mga disputed territories sa lugar.
Pagkatapos ng Apat na taon, nag-decommision na ang Diwata-1 at babalik na ito sa earth bilang isang kalakal sa junkshop. Joke lang.
Kinumpirma ng STAMINA4 Space sa kanilang Facebook page na ang kahulihulihang signal na natanggap mula sa Diwata-1 ay noon pang April 6 2020 sa oras na 4:49 PM, Philippine Standard Time.
Bakit nagpapadala ng mga satellites ang Pilipinas sa Kalawakan?
Isang proyektong pangobyerno ang inilunsad sa pangalang Philippine Scientific Earth Observation Micro-Satellite Program na naglalayon na magpadala ng dalawang satellites sa kalawakan ang Pilipinas upang gamitin sa disaster management, weather forecasting, pagsasaka, pangigista, proteksyon pangkagubatan at marami pang mga bagay na makikinabang ang ordinaryong Pilipino.
Napansin niyo ba na dalawang Micro-Satelite ang ipapadala? Well, dito na papasok si Diwata-2 sa susunod na Episode.
Kung nagustuhan mo ang video na ito, don't forget to like share and subscribe.
Source:
DIWATA 1
https://www.philstar.com/headlines/2019/02/24/1896268/diwata-1-outliving-orbit-life-months
https://www.rappler.com/nation/philippine-microsatellite-diwata
https://phys.org/news/2016-06-philippine-microsatellite-diwata-successfully-captures.html
https://blog.phl-microsat.upd.edu.ph/diwata-1s-mission-emblem-b101ea4fb3b0
https://www.rappler.com/science/earth-space/diwata-microsatellite-deployment-space
https://directory.eoportal.org/web/eoportal/satellite-missions/d/diwata-1