Harry Roque, naging sirena nang bisitahin ang Ocean Park

3 7
Avatar for NinoJade
4 years ago

Isang mabahagharing balita ang sumalubong sa Pilipinas nang naging sirena si Harry Roque habang nakipag-usap sa apat na Dolphin.

Ani niya, hindi siya lumabag sa Social Distancing dahil hindi tao ang kanyang mga nakasama sa park. Hindi raw ito tulad kay PNP Cheif Sinat na nagdaos ng kanyang Children's Birthday Party at umiyak nang inagawan ito ng spaghetti.

"Ako lang po ay nakipag-usap sa aking mga lagang dolphin," Sec. Harry

Ani niya, wala rin siyang nilabag na mga quarantine protocols dahil siya ay Authorized Persons ETC. ETC., na ang ibig sabihin ay maaari siyang lumabas kahit may quarantine ay iyon ay kung hindi leisure.

"Hindi naman leisure ang inasikaso ko doon, nakipag usap lang ako sa mga dolphin. Dagat na may tubig, aking sinisisid. Naglalakihang mga dolphin, sa 'kin dumidikdik. Inuulit ko po, dagat na may tubig ang aking sinisisid, sa patagalan ng paghinga, sakin kayo ay bibilib. “

Nilinaw ni Roquen'roll na wala naman daw siyang ginawang paglabag at nagpahatid ng paumanhin sa lahat ng na-offend sa kanyang ginawa.

2
$ 0.00
Sponsors of NinoJade
empty
empty
empty

Comments

HAAHahah katuwa ng kanta sa gitna aah HAHAHA

$ 0.00
4 years ago

Naisip ko lang po iyan

$ 0.00
4 years ago

Fhahaha

$ 0.00
4 years ago