Pinoy Satellite sa space!!! Diwata 2 - Ikalawang Filipino Made Satellite ft. Maya 1
Bago tayo magsimula sa Diwata 2, recapmuna tayo sa Diwata 1. Ang Diwata 1 ay ang kauna-unahang satellite na ipinadala ng Pilipinas sa outerspace. Ipinalipad ang Diwata 1 noong March 23, 2016, Philippine Time at natapos ang kanyang Journey sa space noong April 6 2020.
Nagpapadala ang ating gobyerno ng Pilipinas ng dalawang micro satellites sa kalawakan dahil sa Proyektong Philippine Scientific Earth Observation Micro-Satellite Program na naglalayon na magpadala ng dalawang satellites sa kalawakan ang Pilipinas upang gamitin sa disaster management, weather forecasting, pagsasaka, pangigista, proteksyon pangkagubatan at marami pang mga bagay na makikinabang ang ordinaryong Pilipino.
So ano nga ba ang Diwata-2?
Ang microsatellite na Diwata 2 ay ang kapatid ni Diwata 1. According sa DOST, mas magaan si Diwata 2 at mas advanced ang equipment nito. Katulad ng Diwata-1 ginawa ito sa tulong ng Hokkaido University and Tohoku University in Japan. Kasing-laki nito ang balikbayan box.
Ang Diwata-2 ay idineliver, hindi ng LBC, di pa sila nakakarating sa Space Delivery.
Dineliver ang Diwata 2 gamit ang H-IIA F4 rocket na lumipad noong October 29, 2018 sa eksatong 12:08 p.m. Nagsimula na itong i-release sa orbit sa 12:51 pm. Pinalipad ito ng Tanegashima Space Center ng Japan Aerospace Exploration Agency.
Grabeng travel naman nun. Kung sa bus or barko masusuka ka na, paano na kaya kapag space?
Balik tayo!
Kasing bigat nito ang isang sakong bigas at may apat na camera katulad ng naunang satellite, — high-precision telescope, spaceborne multispectral imager with liquid crystal tunable filter, wide field camera, at middle field camera.
Dahil nga sa advance na mga na inilagay sa satellite, makikita mo na ang mga kapitbahay mong nagtsitsismisan sa kalsada.
Alam niyo ba na maari kayong mag-communicate gamit ang Diwata-2?
Tama ang narinig ninyo. Kung malungkot ka sa buhay at walang maka-usap, maari mong gamitin ang satellite sa pakikipagcommunicate sa kahit saang lupalop na masasakop ang signal na ito!!
Posible ito dahil na rin ang Diwata-2 ay mayroong Filipino Made Amateur Radio Unit.
Pwede mo ring kausapin mula Japan, to Indonesia, China at mga karatig bansa sa pamamagitan ng isang amateur radio module. Yung mga ginagamit ng mga traffic enforcer sa kalsada, pwede nilang gamitin iyan, kung may lisensya sila mula sa National Telecommunications Commission. Pwede mo ring kausapin ang mga kupal mong kamag-anak sa probinsya kung mayroon rin silang Radio Module.
See the link below, may demonstration ang mga Taga-UP kung paano kausapin ang mga kupal mong kamag-anak sa probinsya gamit ang Diwata-2 satellite.
It is very great to see na ang Pilipino ay nagbabalak nang pumunta sa outerspace. Baka sa future, may barbecuehan na sa space. Aasahan ko yan!
Thanks for watching, don't forget to like share and subscribe to our youtube channel para sa iba pang video katulad nito.
Ito ang aming mga sources:
SOURCES:
https://www.pna.gov.ph/articles/1024053
https://pcieerd.dost.gov.ph/news/latest-news/328-diwata-2-ph-s-second-microsatellite-set-on-space
https://technology.inquirer.net/80735/ph-successfully-sends-diwata2-microsatellite-into-space
https://www.rappler.com/science/earth-space/philippine-made-microsatellite-diwata-2-space-launch-october-29-2018
https://www.up.edu.ph/diwata-2-second-ph-microsatellite-set-for-launch/
https://businessmirror.com.ph/2018/08/12/diwata-2-microsatellite-nears-completion-handover-to-jaxa/
https://phl-microsat.upd.edu.ph/diwata2