Tambak na gawain: Kapalit ng isang buhay

0 20
Avatar for Niezelle12
3 years ago

Naging matunog na usapin sa publiko ang panukalang "No Homework Policy." Isang patakaran na iminungkahi ng nga mambabatas mula sa kamara, na ang layunin ay tanggalin ang takdang-aralin bilang "requirement" upang gawin na lang ng mga mag-aaral ng Kinder hanggang Grade 12 ang kanilang pang-akademikong mga gawain sa loob ng paaralan. Samu't sari ang naging reaksyon ng madla kaugnay sa pagpapalabas ng naturang panukalang batas. May iilang sang-ayon, lalo na ang mga mag-aaral na siyang maaapektuhan nito. Ngunit, may iilang bilang din na hindi sang-ayon, kabilang dito ang iilang mga guro.

Kaliwa't kanan ang mga ibinibigay na gawain sa mga mag-aaral, sa paaralan o maging sa bahay man. Hindi mabawas-bawasan ang gawaing nakaatas at natatanggap ng mga estudyante. Bagaman ito ay parte na ng pag-aaral at pagiging estudyante, hindi parin tamang makatanggap sila ng sandamakmak na gagawin araw-araw, maging sa oras na dapat ay naging pahinga na nila, o oras na dapat ay inilalaan sa sarili at sa iba pang personal na bagay na kanilang dapat gawin.

Isang estudyante ang natagpuang wala nang hininga sa loob ng banyo matapos kitilin ang sariling buhay dahil sa depression na sanhi ng tambak na assignment at quiz. Ito ay isang patunay na ang sobrang pagbibigay ng mga gawain sa mga estudyante ay magdudulot ng kapahamakan. Kung iisiping mabuti, ang buhay ng estudyante ay nakapaikot lamang sa pag-aaral. Sa isang linggo limang beses ang pasok sa paaralan, at sa dalawang natitirang araw ay may mga gawain pa silang ginagawa na kaugnay sa pag-aaral, ito ang nagiging dahilan kung bakit napapagod ang mga estudyante physically, emotionally, mentally, at nawawalan na nang oras na dapat inilalaan sa pamilya at sarili.

Ngunit, kapag ba maipasa ang panukalang ito ay mabibigyan na ng garantiya na sa pamilya at hindi sa gadgets mailalaan ng mga estudyante ang kanilang bakanteng oras? Malaki ang pagkakataon na imbis sa pamilya ay ilalaan lamang nila ang libreng oraa sa paggamit ng gadgets, paglalaro ng online games at iba pang bagay na walang kabulohan. Na maaaring magresulta ng mas malaking kapahamakan, kumpara sa pagbibigay ng mga takdang-aralin.

Bilang mga estudyante, ang pagkakaroon ng takdang-aralin ay isang malaking tulong para sa pag-aaral. Binibigay ito upang matuto ang mga bata kahit nasa loob lamang ito ng tahanan at makapag-advanced study, ngunit ang pagbibigay ng sobrang gawain ay hindi dapat ginagawa. Maaaring magbigay ng takdang-aralin at gawain, pero dapat ay hindi sobra-sobra at sasapat lamang para matuto ang mga mag-aaral at hindi magiging dagdag sakit sa balikat.

Ps. This article was made by me way back 2019, I just saw it in my drafts and get an idea about posting it here.

2
$ 0.00
Avatar for Niezelle12
3 years ago

Comments