Why I'm Playing Mobile Legends?

0 51

Etong article na to ay Tagalog dahil pwede naman tayong gumawa ng article sa sarili nating "Language"

Noong ako ay grade 8 pa lamang, ako ay Hindi pumapasok sa akin skwelahan upang mag computer lamang, ang una kung nilalaro ay "League Of Legends" dahil yun yung larong kina adikan ko, halos bumaba na yung grades ko dahil lng sa larong yan, kaya lagi akong nasa computeran ay walang nagagalit sakin dahil malayo sa akin Ang aking pamilya.

At Ito Ang aking Account Sa League Of Legends dati:

This photo is mine.

Ang aking rank ay gold lamang dahil naka ilang gawa na ako ng account at yan na ang pinaka last kong ginawa ang pangalan ko jan ay "SENPAI" Hindi ko alam bakit Yan Yung pinangalan ko hahaha, ang aking main hero jan ay "Vayne" Ang pangalan, pero ang aking role kapag nag lalaro kami ng mga kaibigan ko ay jungler, ang mga ginagamit ko lamang hero kapag role ko ay jungler ay "Hecarim, Master Yi, Rengar, Kha'Zix, Fiddle Stick, Lee sin, Nocturne" sila lang Ang aking laging gina gamit, dala rin sila sa aking best main heroes sa league of legends, lagi akong di pumapasok para lang makapag laro niyan Isa ako sa mga batang napaka tigas Ng ulo noon pero nag bago naman na ngayon hahaha, 2019 ako na tigil sa pag lalaro ng league of legends ng dahil sa pandemic na ito, simula ng nag ka covid ay hindi na ako nakapag laro ng league of legends dahil sunod sunod ang lockdown sa aming lugar, kaya naging boring din ang aking buhay simula ng nag ka covid, Isa din sa mga rason ang pandemic kung bakit ako nag lalaro ng mobile legends.

Ikaw nag lalaro ka din ba ng mobile legends kagaya ko?

This photo is from my mobile legends application and I take screenshots, this is mine.

Etong larong ito ay Hindi ko inaasahang magugustuhan kodin, dahil dati noong nag lalaro pa ako ng league of legends ay, may nakikita akong mga post sa social media na pinag aawayan na kinopya lng daw ng mobile legends ang league of legends, kaya noon noong Wala pang pandemic ay Hindi ko sinubukang mag laro ng mobile legends dahil nga league of legends player ako, dati lagi Kong sinasabi na ang panget ng larong to, kapag nakaka kita nga ako sa social media ng video ng mobile legends ay lagi kung sinasabi na kinopya nga Ng mobile legends ang league of legends dahil sa mga character ng mobile legends na mag ka parehas sa league of legends pero mag ka iba lang Ng mga skill.

At Ito din po ang sinasabi ng iba na ginaya daw ng mobile legends ay ang "LITO WANDERER"

This photo is owned by: Oneesport.com

Ang LITO WANDERER po ay kapag napatay ng mga players nga players ay magiging vision ito kung saang team Ang makapatay nito at mag kakaruon ng movement speed ang makapatay at naka kuha niyo.

At kung league of legends naman ay parang parehas lang sila pero merong unting pinag kaiba sa kanila dahil kapag napatay ang LITO WANDERER ay nag lalakad ito at nag bibigay vision sa mga team na makakapatay nito at kapag naging vision na ay pwede din agad patayin ito.

Ito ang larawan ng scuttler sa league of legends:

This photo is owned by: aminoapps.com

Diba medyo mag kaiba pere magka parehas lng sila Ng lugar, ang scuttler ay nasa river din ng map ng league of legends, ang LITO WANDERER naman ay nasa river din pero, ang scuttler ay kapag namatay ay pupunta siya sa spawning zone at Hindi ito mamatay hanggang Hindi na uubos ang time para makapag vision siya.

This photo is owned by: Leagueoflegends.fandom.com

Pero para sakin ay naka depende naman sa mga tawo kung ano gusto nilang laruin, katulad ko kahit ano lang nilalaro, sobrang dami kung nilalarong online games, kaya ako nag lalaro ng ml ngayon ay dahil din sa pandemic, Wala naman kasi akong sariling computer para makapag laro ng League Of Legends, nakapag laro ako ng mobile legends ay 2019 noong kumalat na ang covid, halos na adik din ako sa pag lalaro ng ml Hanggang sa araw araw na akong nag lalaro nito hanggag maabot kona ang mythical glory, Hanggang sa may Sinasalihan na kaming online tournament ng ka team mates ko.

Kaso minamalas Kase mas malalakas Yung mga nakakalaban namin sa online tournament ni Hindi man lng kmi maka pasok sa top 10th pero may last tournament pa kaming sinalihan ito ay sa august 21,2021, ito ay online tournament na lahat Ng players ay pwede sumali kahit anong rank o kahit Taga saan kapa, Yung inaayawan Kong laruin dati ay kinakaadikan Kona hahaha, halos sa isang araw ay nakakarami ako ng laro, tapos dumadayo nadin kami sa ibang lugar upang makipag pustaan pero sa malalapit lng sa lugar namin dahil nga pandemic pa, kami ay baguhan lamang sa mobile legends bangbang community kaya mahihina pa kami at Hindi lahat Ng game ay panalo pero Inienjoy.

Ang role ko naman sa mobile legends ay offlane/core, kung core ako ay ang aking dinadala ay "Roger, ling, lance, gusion, Claude, Benedetta," at kung sa offlane naman ay "Lapulapu, gusion Claude, chou, Yuzhong, Balmond, Paquito.

Nakapag laro din ako ng Mobile Legends dahil na bilhan ako Ng maayos na cellphone, na ka ya ang mobile legends ng Hindi nag screen lag, dahil dati ay low RAM lamang ang akin cp pero ngayon at naka 4GB RAM Phone nako, Hindi naman ito sobrang ganda pero maayos naman akong nakapag laro ng online games.

Hanggang dito nalang muna po maraming salamat sa pag babasa ng aking article, Sana gabayan lagi tayo Ng panginoon at pag plain niya tayo, keep safe everyone Sana magustuhan niyo Ang aking ginawang article kahit Tagalog godbless us!

Eto Ang aking reddit account pwede mo I check kung gusto mo:

This photo is my Reddit account.

1
$ 0.00

Comments