"Magtitiwala ako"

0 8

Malayo ang pagitan

Sa litrato nalang ika'y pinagmamasdan

Gusto kitang makasama at mahagkan

Gusto na kitang mahawakan

Ngunit milya-milya ang tatahakin upang ikaw ay mapuntahan

Hindi madaling ika'y malayo sa piling ko

Hindi ko nasisilayan ang mga galaw mo

Hindi ko alam kung sino-sino ang nakakasalamuha mo

Hindi ko alam kung sino na ang nag papasaya sayo

Hindi madali ito

Masakit na nakikitang iba ang nakakasama mo

sa bawat litratong nakikita ko

Dapat hindi sya ang nasa tabi mo at yun ay dapat ako

Ngunit ano nga bang magagawa ko?

Kung napakalayo ko sa piling mo

Kakapit ako sa mga planong sabay nating binuo

Sa sinabi mong pagdating ng panaho'y ako'y babalikan mo dito

Wala akong magagawa kundi ang mag tiwala nalang sayo

Sa mga pangako mong inaasahan kong magkakatotoo

-BinibiningNicole✨

2
$ 0.00

Comments