"Maghihintay ako"

0 16

Di ko maiwasang magisip

Di mapigilang ang pusoy sumikip

Nang litrato mo'y makita

Nakangiti at nakatawa

Ang masakit dito'y hindi ako ang iyong kasama

Answerte naman nya

Bakit sya pa

Hindi ba pwedeng ako nalang talaga?

Pero sige ako'y mag hihintay nalang muna

Maghihintay ako hanggang pwede pa

Kung saatin ba talaga sasangayon si tadhana

Siguro ngayon sakanya ka muna

Pero kung tayo sa dulo tayo talaga

Maghihintay ako kahit na walang kasiguraduhan

Susugal ako kahit di ko alam kung may pupuntahan

Ang mahalaga ika'y aking ilalaban

Para sa huli wala akong pagsisisihan

Tatanggapin ko kung sya na yung mahal mo

Basta ba hayaan mo ko

Maghintay kung hanggang kelan ko gusto

Hindi ko naman pinipilit na pumunta ka sa piling ko

Pero Maghihintay ako

Maghihintay ako hanggang kaya pa ng aking puso.

Maghihintay ako hanggang dulo

Maghihintay ako hanggang dumating sa punto

Bumalik ang dating tayo

Kung ako nalang kase sana

Kase ako naman yung nandito kapag sinasaktan ka nya

Ako yung nandito kapag may problema ka

Ako yung nandito kapag kailangan mo ng kasama

Ako yung nakikinig kapag ikaw ay may drama

Kaso bakit sya?

Pero sabi ko nga kanina

Maghihintay ako,

Maghihintay ako hanggang sa pwede na ang ikaw at ako

Maghihintay ako hanggang sa pwede na tayo

Kaya aking sinta kung sakaling mapagtanto mong ako yung mahal mo

Wag kang mahihiyang saaki'y tumakbo

Andito ako na nag mamahal sayo ng buong buo

-BinibiningNicole

2
$ 0.00

Comments