Boku no Hero Academia. Sa mundong ang mga tao ay may mga kapangyarihan ngunit hindi lahat ng tao ay mayroon 80% ng tao sa buong mundo ay mayroong kapangyarihan at ang 20% naman ay wala. May isang bata na ang pangalan ay Midoriya "Deku" Izuku at gustong niya maging hero ngunit wala siyang kapangyarihan ngunit isang araw may nakilala siyang hero na ang pangalan ay All Might ang Top 1 Hero sa Buong Mundo. Sinabi ng bata na si Deku ay gusto niyang maging hero ngunit wala siyang kapangyarihan. Isang araw ay nakita ni All Might si Deku na niligtas ang kaibigan niya sa kapahamakan at nakitaan niya ito ng Potential na maging isang magaling na Hero. Isang araw sinabi ni All might kay deku na wala din siyang kapangyarihan at ang kapangyarihan na gamit niya ay ipinasa lamang sa kanya at sinabi ni All Might kay Deku na ikaw ang susunod na mag liligtas sa buong mundo. At dito na nag simula ang kwento kung paano magiging magaling na Hero si Deku.
Nag simula ang Manga chapter 306 ng My Hero Academia na nasa Comatose padin si Midoriya "Deku" Izuku at binabantayan siya ni All Might. Napadalaw din ang Top 2 at Top 3 Heroes na si Best Jeanist at Hawks kasama ang ibang classmates ni deku na si Iida, Uraraka, Asui At iba pa.
Nag usap ang mga Pro Heroes tungkol sa mga Villain na nakatakas sa Tartarus sa tulong ni All For One. Dahil bukod sa Villain na kalaban nila ay kinakalaban na din sila ng society dahil nawawalan na ng tiwala ang mga tao sa kanila dahil marami ng namatay na sibilyan.
Pagkatapos ng pag bisita nila Best Jeanist at Hawks ay dumalo sila sa Press Conference kasama ang top 1 hero na si Endeavor. At sa pace ng manga na ito ay mga naka pormal na kasuotan ang mga Top heroes at Opisyal na pinakita ni Best Jeanist ang mukha niya sa media. By the way balik sa topic about sa Press Conference tinatanong ng mga Press Media ang mga top heroes tungkol sa background nila. Tinanong si Hawks tungkol sa Criminal Record ng tatay nya at Tinanong naman si Endeavor tungkol sa Family Background niya Sinagot naman nila ito at Nanghihingi ng tawad si Endeavor sa mga nangyari sa syudad nila ngunit hndi ito pinakinggan ng mga Press bagkos sinabi nila ay walang magagawa ang paghingi ng tawad ng mga Heroes (Dahil wala na ngang tiwala ang mga tao sa kanila).
Sinabi ni Endeavor na may plano na sila at magagawa nila yun sa tulong ng iba pang mga Heroes. Una na dito sa plano nila ang pag liligtas ng mga sibilyan sa mga Villain.
Kaya gagawing Evacuation Center ang U.A. High School para sa mga sibilyan at mga magulang o kamag-anak na nag aaral sa U.A. pero sinabi ng isang Press na walang silbi ang pag evacuate ng mga tao kung hindi nila dadagdagan ang seguridad ng paaralan.
Sinabi ni Endeavor na "Panoorin Ninyo Ako" habang lumalabas ang apoy nito sa mukha ( Pinapanindigan ni Endeavor ang kanyang pusisyon bilang isang Top 1 Hero).
Next pace ng manga ay sa UA Dormitory ang may nakuha si Mineta na sulat galing sa Protagonist ng kwento na si Deku. Nakalagay sa Sulat na Aalis muna siya sa UA para din sa ikabubuti nila at makapagtraining siya mag isa.
Nakalagay din dito na galing kay All Might ang kapangyarihan niya at Hinahanap siya ni Shigaraki at kukunin ang kapangyarihan niya.
Nakita natin sa Front Page ng Manga Chapter 306 na Suot ni Deku ang Hero Uniform nya na sira sira na at para siyang Vigilante Type Hero at kung mapapansin din dito na may malaking Explosion sa gitna ng building at sinabi ni deku na "A Giant Villain?" (Sa tingin niyo sino yung Giant Villain na nakita ni Deku?).