Sleepimg Quarters

0 15
Avatar for Nicay05
2 years ago
Topics: Horror

Hi Tris po ulit from Bulacan. Ishare ko po yung experience way back 2018.

Nalipat ako nun ng account at office sa BGC, ang schedule ko that time is 3pm to 12am. Ako lagi huli nakakapaglunch at wala akong kasabay sa lunch. Madalas 10pm ko na nagagamit lunch ko kasi dun wala na halos docs, at ito din yung time na walang tao sa quarters.

Mahilig ako pumuwesto sa sulok kasi para less ingay. Nakatulog na ko kaya lang ilang minutes lang nagising ako kasi nauga yung double deck parang meron nag-akyat baba sa hagdan. Gigil na ko nun kasi ilan beses na, naisip ko baka yung mga trainee nagsama sama sa taas. Tumingin ako sa baba para tingnan ilan sapatos nandun para malaman ko kung ilan sila sa taas. Pagtingin ko walang ibang sapatos dun kundi yung akin lang. Kinabahan na ko nun kaya ginawa ko pumikit lang ako at naghintay na may pumasok sa quarters. Pagkarinig ko na may pumasok ng quarters bumangon agad ako sabay labas.

At dahil di pa din ako nadala after ilang araw natulog pa din ako. Pero this time antok na antok ako kaya wapakels sa mananakot saken, feeling ko di niya ko magagambala kasi pagod ako. Bago ako matulog may mga kasama ako sa room pero alam ko paalis na mga yun kasi US account mga yun pa-start na shift nila.

Bago ako matulog sabi ko pa "bahala kayo jan antok ako kaya di niyo ko magigising". Yun ang pagkakamali ko nachallenge ko yata sila dun sa sinabi ko, kasi after 30mins nagising ako. Kasi parang yung tao sa taas parang naglalaro at humahakbang papunta sa kabilang double deck kaya nauga yung kama. Sa may paanan ko yung hagdan, naramdaman ko may tao huminto dun at mukang aakyat. Tiningnan ko, naririnig kong may umaakyat at umuuga yung hagdan pero wala akong nakikitang tao na umaakyat. Tumalikod na ko at humarap sa pader, bigla ako may narinig na tumatawang babae. Maya maya yung tao sa taas parang batang tumatakbo paikot sa tabi tabing mga double deck, so lahat ng kama nag uugaan na. This time nakaramdam na ko ng takot at inis kasi sakit ng ulo ko sa sobrang antok. Bumangon ako ng mabilisan sabay kuha ng sapatos. Dun na lang ako nagsapatos sa may pintuan. Binuksan ko ng todo yung pinto para pumasok yung liwanag at makita yung tao sa loob. Tiningnan ko yung mga bed baka may kasama ako sa room, kaya lang sa kasamaang palad ako lang mag isa. Ginawa ko binuksan ko lahat ng ilaw sa room at tiningnan ko lahat ng kama, niisang tao wala akong nakita. Pinatay ko na agad yung ilaw tas biglang labas. Dun na lang ako sa station ko natulog.

Hanggang dito na lang po. Lesson wag maghamon, natritrigger ko talaga yata sila minsan dahil short tempered ako nakakapagbitaw ako ng salita. Tulad sa naishare ko na pusang kalye.

1
$ 0.00
Avatar for Nicay05
2 years ago
Topics: Horror

Comments