gusto ko talaga ishare tong nalaman ko na ito. it’s about love. bakit kaya tayo naiinlove? yikee. feeling ko lahat naman tayo interesado dito diba? single man o double, bitter man o better, normal lang sa bawat tao, meaning likas sa atin ang magnais magmahal at magnais mahalin. taas kamay yung gustong makaramdam ng pagmamahal wag ng mahiya. wag kang mag-alala, walang nakakakita, kung meron man, di naman nila alam kung bakit ka nagtataas ng kamay. haha. narealize ko, oo nga no! ALL OF US WANTS TO FEEL LOVE. kaya siguro nauso yung konsepto ng ideal man o woman, o kaya ng ideal proposal, pati yung paglipana ng mga pick-up lines, atsaka napansin niyo ba most if not all movies may mix of love, kahit anong genre! sa superheroes or fantasy, may leading lady na isesave, sa horror, may mga ex na nagmumulto o kaya sa drama, may third party or love triangle…. at sa marami pang iba!
bakit ba tayo naiinlove? kasi nakaukit na sa tin yung love. we are designed with it. love kasi yung nagkokonek satin sa Lumikha satin. yung paghahangad natin na magkaron ng bf/gf, yung paghahangad natin na mahalin ng walang kapalit, yung walang lokohan, yung walang komplikasyon, yung di magulo, yung di nakakatakot, yung tunay.. yan yung isang higanteng butas sa mga puso natin na kayang-kaya Niyang punan or in better words, na SIYA LANG ANG MAKAKAPUNO. Si Lord lang. kumbaga yung pantapal sa butas na yun ay nakahulma eksaktong-eksakto kay Lord. di ko sinasabing walang wenta yung love life mo ngayon, for sure, napupunan din niya yang butas na yan, pero at times, siguro may spaces pa din, air holes. bakit ba tayo nilikha? wala, power-tripping si God eh! bored kasi siya, eh kaya niyang gumawa ng tao, go! NO! we are created because of love. He wants us to experience HIS LOVE. bakit? kasi yung love na yon na, ang pinaka mind-blowing, life changing, hands down na bagay na mararansan mo sa buong buhay mo! pramis. at experiencing it firsthand, i can tell you, NOTHING COMPARES TO HIS LOVE.
oo, mahal ka ng love life mo, (bf/gf, MU… and stuff alike. hihi.) pero there will be times na, mapapagod siya, maiinis, matatakot, magagalit, mageexpect. normal yun. nakakatakot naman kung sa buong pagmamahalan niyo never siyang nagpakita niyan. 🙂 kaya nga may mga LQ, cool offs at break-ups diba? that special person is not perfect. at this point, di ko sinasabing hiwalayan niyo na sila, haha, dapat single tayong lahat! whooh! di ganon, honestly i”m a big fan of love stories. ang sakin lang walang perfect person for you, meron pa siguro, right person for you. pero si God kasi, perfect Siya eh, kung tutuusin, di na Niya tayo kailangan. He’s complete. kaya yung idea na loving without expecting something in return, kay God lang yun 100% totoo. ikaw, naexperience mo na bang mainlove? yikee.. ibibigay mo lahat diba? kahit walang kapalit? weh.. siyempre kahit 0.00000001% gusto mo mag-thank you man lang siya, o kaya mag smile. minsan nga pag nagtext ka ng 3 pages pinapanalangin mong magreply siya kahit “k” lang ang sagot niya. diba nga pag nanliligaw, naghihintay sagutin. kaya nga diba hindi healthy yung mga one-way relationships? kay God, once na sumagot ka sa pagkatok Niya sa puso mo, asahan mong di na Siya makikipagbreak. at mamahalin ka Niya ilang ulit, kahit na mahirap kang mahalin.
in love, nobody’s exempted. kahit yung pinakamasamang taong iniisip mo ngayon, sigurado ako, gusto niya ring mahalin siya. or, in another way, yang taong yan, may mahal din yan, jowa man o kaibigan, kapamilya. again, kasi nga, nakaukit na yan sa tin, that’s God’s way of reaching us. wala kang kawala boy! pero wag ka ng magworry.. sigurado din ako, may plano ang Diyos para abutin ka! once, twice, or kahit nth times pa! maniwala ka, inaabot ka Niya sa ilang libong paraan sa buhay mo, gusto mo ng climax? He went to earth. He suffered for you kahit wala Siyang kasalanan. He died for you. Sasabihin mo, “eh bakit di ko naman hininging mamatay Siya para sakin ah!” sagot ko, malamang, hindi mo na talaga hihingin kasi ginawa na Niya. kadalasan, di lang natin binibigyang pansin. so kung uhaw tayo sa pagmamahal, may pantawid uhaw si Lord, di ka forever mauuhaw. it’s your choice.
ok lang mainlove.di mo na maaalis yan sayo. siguro may tama lang paraan. sana habang ginugusto nating mahalin at magmahal, gustuhin din nating mahalin Niya at magmahal sa Kanya.
Love gives. Lust gets. Love waits. Lust wants now. nagstrike talaga sakin yan! ayon sa worldweb dictionary sa laptop ko, ang lust, contrary to public belief is not only a sexual desire, it also means.. “craving for or great wanting or appetite” so to make it short, mahaba pa kasi yung discussion nyan, siguro we could take it na lust is a way of desiring something pero not in God’s way. para macheck natin kung love pa ba yung desire natin o lust na yan, we could remember that quote.
Lord, salamat sa pagmamahal mong walang kondisyon! salamat dahil kahit tao lang kami, kahit ang dami naming kasiraan, mahal mo pa din kami. sana buksan mo yung mga puso namin para maintindihan ito at patuluyin ka sa buhay namin. Amen.
yun lang. type lang ako ng type nung ginawa ko to. anyone’s free to share his/her thoughts, puwedeng may magulong line of thought ako o kaya sa tingin niyo mas may tamang way para irelay yung idea. magtulungan tayo. :)) God bless pips! God loves you soooooooooooo much!