Lumang Litrato

0 4

Sa henerasyon natin ngayon usong-uso na ang pagpopost ng mga litrato sa social media. Magandang kulay, disenyo at sa isang click lang pwede mo ng isend sa kahit na sino mang nais mo. Sino ba namang hindi pa nakakaranas nito di ba? Bukod sa maganda ng tingnan lumipas man ang panahon hindi kukupas o masisira ang iyong mga litrato at wala ring tatambak sa tahanan mo.

Pero naisip mo ba na mas memorable ang isang litrato kapag ito'y nasa photopaper at nakadisplay sa bahay mo?

Hindi kayo sang-ayon? Well, kaibigan, kanya-kanya tayo ng opinyon.

Para sa akin kasi kapag nakikita kong nakadisplay ang isang litrato parang nandun na din ang presensya ng taong nasa larawan. Kahit na wala siya physically pero sa puso at isip ng mapapatingin sa litrato ay mananatili ang taong iyon.

Ihahalimbawa ko sa inyo ang aking papa. Matagal na siyang wala sa aming bahay dahil kailangan niyang magtrabaho sa malayo. Idagdag ko na rin na madalas silang mag-away ni mama dahil sa common na pinag-aawayan ng mag-asawa. Third party I guess? So ayun, simula ng makagraduate ako ng highschool ay umalis na nga ng tuluyan si papa. Nung una nakakalungkot kasi nakasanayan ko na palaging iniintay si papa na umuwi galing sa trabaho niya. Hanggang sa makita ko ang litrato ni papa sa mga naiwanan niyang gamit.

Pinakita ko ito kay mama at di ko inaasahan ang sasabihin niya.

"Itapon mo na 'yan o sunugin mo, kung bakit ba naman kasi nag-iwan pa ng gamit dito ang magaling mong ama."

Ganoon na lamang ang galit ni mama kay papa. Hindi ko siya masisisi kasi wala naman ako sa lugar para makialam at isa pa hindi ko din naman alam kung ano ang nararamdaman ni mama.

Itinabi ko na lang ang litrato ng papa ko ng hindi sinasabi kay mama. Alam ko kasing magagalit si mama kapag di ko sinunod ang gusto niya.

Nadalaw-dalaw pa rin naman si papa minsan samin pero itinatago ko pa din yung litrato niya. Kahit dun na lang sa litrato niyang iyon masabi ko man lang na buo at masaya ang aming pamilya.

1
$ 0.00

Comments