Ang Aking Kabataan

0 3

Maglaro, maglibang at magsaya literal na nasasabi ng karamihan pag natatanong sa kanila kung anong gusto nilang gawin kapag bumalik sila sa kanilang pagkabata. Isa na rin ako sa karamihang iyon, pero ano nga ba ang gusto mong balikan sa iyong kabataan?

"MAGLARO SA LABAS O LOOB NG BAHAY"

Numero uno sa pinakagusto ko, alam kong nakakatawa pero aminin natin sa sarili natin na dito tayo unang sumaya. Nakakalibang ito at higit sa lahat dito tayo nakakabuo ng magandang samahan at nagkakaroon ng maraming kaibigan.

Naaalala ko pa nung kabataan ko madalas akong napapalo ng aking mama dahil sa inaabot ako ng gabi sa labas dahil lang sa pakikipaglaro. Ika nga ni mama "pwede namang maglaro kinabukasan, bakit pa kailangang magpaabot ng gabi sa labas?" tatawa tawa na lang ako pag naririnig ko yan kahit na napalo ako.

"MAKIPAG-AWAY KAHIT MABABAW ANG DAHILAN"

Syempre lahat pinagdaanan iyan at maniwala kayo o hindi isa ito sa mga gusto kong balikan, hindi dahil sa trip ko kundi dito ako natutong depensahan yung side na alam ko at dito rin ako natutong tanggapin ang kapalit kapag nagkamali ako.

"MAG-ARAL NG MABUTI"

Palaging pangaral ng bawat magulang sa kanilang anak gaya ng aking mama. Ang nakakalungkot nga lang hindi ko pinakinggan ang pangaral niyang ito. Ang iniisip ko kasi noon basta makapagtapos na ako ay ayos na iyon dahil makakahanap na ako ng matinong trabaho kahit di matataas ang grado ko. Hindi ko naisip na ang pagkakaroon ng mataas na grado ay hindi lang para maipagmalaki ka sa ibang tao, kundi ito ay isang pasasalamat sa lahat ng sakripisyo ng ating mga magulang.

"PAKIKINIG/PAGGALANG SA NAKAKATANDA"

Alam kong malayo ito sa iniisip niyo pero nais ko rin itong idagdag sa listahan. Sa henerasyon ng mga kabataan ngayon nabibilang na lamang sa daliri ang mga bata na may kagandahang asal. Isa na rito ang paggalang sa nakakatanda. Paano nga ba ang paggalang sa mas nakakatanda sa'yo ? Sapat na ba ang paggamit ng salitang 'PO' at 'OPO"? Hindi lang dyan mapapatunayan ang paggalang sa kanila.

Makinig ka sa bawat salitang sinasabi nila at intindihin mo ito o unawain ng maigi hindi yung tipong makikinig ka tapos labas sa kabilang tenga. Mali iyon, dapat lamang na pakinggan mo ito dahil mas alam na nila ang buhay at nais lamang nila na mapabuti ka.

Palagi mong isipin na hangga't pinapangaralan ka nila malaki ang tsansa na bagtasin mo ang tamang landas sa buhay.

"GAWIN ANG BEST MO"

Nakakatawa man pero oo kasama talaga ito sa listahan. Bakit? Kasi yan ang di ko nagawa nung kabataan ko. Kampante na kasi ako na kapag okay na sa akin sapat na iyon at di na kailangang paggugulan pa ng hirap o ng tinatawag nilang "effort". Mali iyon, kung meron ka mang gagawin na isang bagay siguraduhin mong ibubuhos mo lahat as in lahat ng alam mo lahat ng kaya mong gawin ay gawin mo. Masarap sa pakiramdam kapag natapos mo ang isang bagay na iyon na pinaghirapan mo ng sobra.

Ngayon tatanungin kita anong gusto mong balikan sa mga nabanggit sa itaas? Masaya ka ba at gusto mong balikan ang mga iyon?

1
$ 0.00

Comments

Kung bbgyan ako ng pagkakataon na bumalik sa dati I would rather chose my childhood kase dun ako maging masaya ng totoo

$ 0.00
4 years ago