El Filibusterismo: Introduksiyon

0 18
Avatar for Nezuko
Written by
3 years ago
Sponsors of Nezuko
empty
empty
empty

Magandang araw sa inyong lahat narito ako upang talakayin ang tungkol sa nobela ni Rizal na may pamagat na El Filibusterismo .Ang nobela ni Rizal na may pamagat na El Filibusterismo ay pagpapatuloy lamang ng kanyang naunang Nobela na may pamagat na Noli Me Tangere. nananatili pa rin sa nobelang ito ang mga character na nagmula sa unang Nobela na rito si ibara na naging Simon Kapitan Tiago Padre salvi Basilio ng binata na mula noong makilala isang batang kampanero tumakas sa pag-uusig ng Sakristan Mayor at ng pare Sa San Diego, Donya Victorina at iba pa. Bagamat may pagkakatulad ang naunang nobela sa nobelang ito ito pa rin ay may pagkakaiba sa ideya at mga pangyayari. Sinasabing ang nobelang Noli Me Tangere ay tumatalakay sa problemang Panlipunan habang ang El Filibusterismo naman ay tumatalakay sa problemang pampulitikal na nangyari sa panahon ng mga Kastila. Layunin ni Rizal na ilantad dito sa kanyang nobela ang mga pangyayaring na nagaganap sa lipunan na ginagawa maraming pangarap na nais matupad ni Crisostomo Ibarra isa na nandoon ay mapagaling ang ina ng mga Kastila. Halimbawa ng pagkakaroon ng Magkaibang pamantayan sa estado ng mga Pilipino at mga Kastila, dahil sa panahon ng mga Kastila itinuturing ang mga pilipino bilang Indio o mga walang alam, matagumpay na nailahad ni rizal sa nobelang ito ang mga namumuno sa panahon ng Kastila lalo na ang mga opisyal na nakaupo sa pamahalaan ay hindi ginagampanan ang kanilang mga tungkulin. Nakasaad din sa nobela na ito ang halimbawa na nagpupulong ang mga kapitan at iba pang opisyal ngunit sa huli ang mga prayle pa din ang nasunod dahil sa panahong ito ang mga prayle ay may kapangyarihang kontrolin ang mga tao sa paligid. ipinakita rin sa nobela na ito na ang mga kapwa Pilipino ay pilit na itinatakwil ang kanilang pagiging Pilipino upang tanggapin na lamang ang kalagayan nila bilang isang mamamayang Europeo. ang kagandahan ng Noli Me Tangere ay pinakita doon ang hangarin ng pangunahing bida na si Crisostomo Ibarra na magpatayo ng mga paaralan para sa mga Pilipino na nais magaral ngunit hindi ito naging matagumpay at na ang mga pangarap na iyon ay nagkaroon ng mapait na wakas. bagamat si Ibarra ay nakapag-aral sa Europa nais niyang magkaroon din ng kaalaman ang mga Pilipino tungkol sa modernisasyon at pagsulong na napag-aralan niya noong siya ay nasa Europa.

Maraming pangarap na nais matupad ni Crisostomo Ibarra isa na duon ay mapagaling ang ina ni Elias na si Sisa, meron din sa pangarap na mapakasalan si Maria Clara ngunit lahat ng kanyang pangarap ay nagbago ng galit sa iba't-ibang hand lang ng mga prayle at ng mga Espanyol na naiinggit sa kanya maging ang mga kapwa Pilipino ay naiinggit sa kanya at nais siyang pabagsakin. ibang-iba ang istorya ng El Filibusterismo sa Noli Me Tangere dahilan ng unang karakter doon na si Crisostomo Ibarra ay nagbalik bilang Simon upang gumanti. Ang tunay na layunin ni Simon ay mas lalong pahirapan ang mga Pilipino upang magising sila sa katotohanan na sila ay Inaapi ng mga kastila at magising ang kanilang pagiging makabayan na ipagtanggol ang ang kanilang mga sarili laban sa mga umaabuso sa kanila at upang palayain ang bansa mula sa pagkakasakop. tinalakay din sa nobela na ito ang mga pangyayari sa panahon ng mga kastila na kung saan ang mga Pilipino ay nakagawa ng mga lupa ng mga prayle, ito ay may katotohanan dahil hindi lamang sa Pilipinas Ito nangyayari dahil gaya ng Africa Indonesia America, may mga imperyalista din pinipilit na agawin ang mga lupain ng mga mamamayan. sa isang kabanata na naroroon ang character ni kabesang Tales na ipakita doon ni Rizal na ginawa ni kabesang Tales ang lahat upang mabawi ang kanyang lupain ngunit sa huli siya ay nabigo, sa bandang huli hindi Aniya ito sa paghihimagsik. Ipinakita rin sa nobelang ito ang mga karahasan nangyayari sa mga kababaihan sa panahon ng Kastila at ang mga pagibig na namatay dahil sa mga masamang gawain. Sa likod nito patuloy pa rin ang pagsasamantala ng mga Prayle sa mga Pilipino.

0
$ 0.00
Sponsors of Nezuko
empty
empty
empty
Avatar for Nezuko
Written by
3 years ago

Comments