Kapakanan kapaligiran

0 0

Bakit nga ba napaka-pabaya ng mga Pilipino sa kali­kasan. Simpleng batas lang laban sa pagsisiga ng dahon at papel, hindi masunod. Katwiran ng mga lumalabag sa Clean Air Act, kailangan daw ‘yon para umalis ang mga lamok. Mali! Kung takot sila sa insektong nagdadala ng dengue virus, hanapin at alisin nila lahat ng pinag-iipunan ng tubig na maaring pag-itlogan. Kung magsiga sila, ang usok ay magdudulot o magpapalala sa sakit sa baga.

Bawal dumumi at magdumi sa mga batis, ilog, at lawa. Ang tubig ay inumin at panlinis ng katawan at damit -- hindi basurahan. Pero inaabuso ito ng mga ayaw magkabit ng septic tank at water treatment facility, maging mahirap na bahayan man o malaking pabrika. Kaya napipilitan lahat bumili ng tubig -- na mahal.

1
$ 0.00

Comments