Huling magagawa

0 1

Sapagkat mahalaga, kung ang tao ay di-pipiliting manghawakan bilang huling magagawa, sa paghihimagsik laban sa paniniil at pang-aapi, na ang mga karapatan ng tao'y mapangalagaan sa pamamagitan ng paghahari ng batas.

Sapagkat mahalagang itaguyod ang pagpapaunlad ng mabuting pagsasamahan ng mga bansa.

Sapagkat ang mga mamamayan ng Mga Bansang Nagkakaisa ay nagpatibay sa Karta ng kanilang pananalig sa mga Saligang karapatan ng tao, sa karangalan at kahalagahan ng pagkatao at sa pantay na mga karapatan ng mga lalaki at babae at nagpapasiyang itaguyod ang kaunlarang panlipunan at lalong mabubuting pamantayan ng buhay sa lalong malaking kalayaan.

1
$ 0.00

Comments