Piliin mo sya😓

0 14
Avatar for Nemi
Written by
3 years ago

ok lang ako,

Wag mo kong intindihin sundin mo yung puso mo,

Masaya ako sa desisyon mo,

Masaya ako para sayo.

Isang desisyon na ang hirap tanggapin,

Masakit man ngunit kailangan mong gawin,

Ayokong pilitin mo kong mahalin,

Alam ko namang wala ka ng pagtingin sakin.

Hindi ko alam kung nagkulang ba ako,

Hindi ko mapagtanto kung bakit ganito yung kinahahantungan ko,

Ang hirap itago ang totoo,

Ang totoo na nasasaktan ako.

Kung maibabalik ko lang ang kahapon,

Kung meron pa sanang pagkakataon,

Kung maaari lang ibalik sa akin ang atensyon,

Sisimulan ko ulit gawin ang lahat ng yon.

Hirap na hirap sa pinagdadaanan,

Walang masabihan at masandalan,

Lahat ay pilit kong iniiwasan,

Dahil ayokong makita nilang ganito ang aking kalagayan.

Sa bawat oras na lumilipas,

Ramdam ko ang bigat na hindi ko kayang mailabas,

Ninanamnam ang sakit na walang katumbas,

Sakit na hindi ko akalaing sayo ko madadanas.

Ramdam ko ang kalungkutan ng hangin,

Tagos sa aking puso ang isang awitin,

Awiting nagpapadurog sa aking damdamin,

Na lalong nagpapapatak ng mga luha sakin.

Nakatingin sa kalangitan,

Pinagmamasdan ang kaliwanagan ng buwan,

Iniisip ang ating nakaraan,

Sapat na ata itong dahilan para ang lahat ay dapat ko ng kalimutan.

2
$ 0.00

Comments