"Nakalipas "

0 12
Avatar for Nemi
Written by
3 years ago

Batang 90’s ka ba?

O saang henerasyon ka pa naging parte

Ano pa man yan, ang importante

naramdaman mo ang iyong pagka inosente

Kaysarap bumalik sa pagkabata,

Mga panahong walang masyadong inaalala,

Laro doon, laro dito, kwentuhan kahit saan,

Hanggang maghapon at gabi pero nakaabang

na ang pamalo ni nanay sa pintuan

Ala-ala at karanasang minsan lang nagdaan,

Mga laro, sayaw, kanta, pagkain at kung ano pa man,

Tumatak sa ating kamalayan,

Pasasalamat sa Panginoon dahil ito'y aking naranasan

Ikaw? Anong mga kwentong di mo malilimutan sa iyong pagkabata?

❤️

2
$ 0.00

Comments