Marami akong nami-miss.
.
Namimiss ko na 'yung feeling sa tuwing traffic at nahihirapan akong mag-commute pauwi.
Namimiss ko na 'yung pakiramdam kapag umuulan sa umaga at nag-aabang ng class suspension.
Namimiss ko lahat ng parish activity tuwing Linggo.
Namimiss ko lahat ng activity sa diocese buwan-buwan.
Namimiss ko rin ang mga hapon ng Linggo kung saan isusulat ko na ang plano sa darating na mga araw.
Namimiss ko na ring uminom ng overpriced na kape habang nagsusulat ng mga plano sa buhay.
Namimiss ko na 'yung free doughnut at kape sa Krispy Kreme kasi ang cute na may free siya sa bawat dine in.
Namimiss ko na ang mga ka-work ko na sabay-sabay nag-aabang ng susunod na long weekend.
Namimiss ko na ring maggala kahit sa malalapit na lugar.
Namimiss ko na ring magplano ng life goals kahit feeling ko talaga tatanda na ata ako nang mag-isa. Haha.
Namimiss ko na rin 'yung mga gabing walang pahinga.
Namimiss ko na lahat ng mga bagay na kadalasan ay ginagawa sa labas.
.
Sa ngayon, wala akong magagawa kundi magmuni-muni sa mga nakalipas na karanasan na malabo pa atang mangyari ulit.
.
Sa ngayon, dadamahin ko muna kung nasaan ako ngayon, anong ginagawa ko, anong nangyayari sa paligid ko dahil baka dumating ang araw na baka ma-miss ko rin ang ganitong klaseng panahon.
Ikaw? Sino/Anong namimi-miss mo?
Miss you, friends. See you soon!
marami nag bago sa nakalipas na mga buwan, at nakakamis talaga yung bagay bagay na sa ngayun di magawa