"Kaugalian Hindi kayamanan"

0 24
Avatar for Nemi
Written by
3 years ago

Pera..

Sino ba ang taong hindi sumasaya?

Sino ba ang hindi interesado kapag ito'y naririnig na?

Mayroon ba?

Malamang wala

-

Halos yata dito na umiikot ang buhay ng tao

Lalo na ngayong may pandemyang sinusubok tayo

-

Kung magbibigay ka ba o magdadamot gayung mayroon ka naman hindi ka lang makuntento

-

Madadala mo ba yan sa impyerno

O sa langit man kung sakaling ika'y magbago

Kasama ba sa hukay

Ang perang sandamakmak mong tinago

-

Wag mong hayaang lamunin ka ng pagiging gahaman

Tandaan mong nagsimula ka rin sa pagiging utusan

Wala kang karapatang manghamak upang masabing matapang

-

Wala sa edukasyon-

Posisyon

Ang makaliligtas sayo

-

Hindi matatandaan ng mga tao ang pera't bahay na iyong naiwan

Kundi ang iyong kaugalian-

Ang iyong kamalian

-

Kaya't kung gusto mong sa langit ang iyong pupuntuhan

Magbago ka na ngayon pa lang

Dahil ang kabutihan sa kapwa ay walang katumbas na anumang yaman.

3
$ 0.00
Avatar for Nemi
Written by
3 years ago

Comments