Bagong bayani❤️

0 18
Avatar for Nemi
Written by
4 years ago

ABROAD

Abroad!!....Sarap pakinggan noh!!!

Akala ng karamihan masarap ang buhay sa abroad.Kumportable dahil ang ganda ng kwarto at laging naka aircon. Masarap ang kinakain dahil nasa abroad.Masarap ang buhay dahil nasa abroad.Maginhawa ang buhay dahil nasa abroad. Mayaman na at isnabira na dahil nasa abroad.At ito pa may lalake o babae o may kabit yan dahil nasa abroad..ang saklap mga bes noh!...Dahil sa abroad yan talaga ang iniisip ng iba.Lalo na mga wala sa abroad o hindi pa nila naranasan mag abroad.

Ngunit sa bawat letrang pumapaloob sa salitang ABROAD may mga bagay na hindi nila alam. Mga kwentong pilit tinatago sa kanilang pamilya o mga mahal sa buhay.Mga lihim na sa huli ay nagdudulot minsan sa napakalaking trahedya.

🔥A- Api-apihan ng mga amo.Halos kung ituring parang basahan na pweding tapak tapakan.

🔥B- Bugbog sarado sa trabaho,bugbog sarado sa gutom,bugbog sarado sa delay na pasweldo,bugbog sarado sa mga mapang abusong mga amo.

🔥R- Rape na hindi maikwento dahil takot sa kahihiyan at mapag chismisan na mga nakakakilala sa kanya lalo na ng mga mapanghusga.Kaya patuloy na ginagawa sa kanya.Dahil takot na mag sumbong at mang laban.Dahil baka siya pa ang mapahamak at umowing bangkay.

🔥O- Over sa hinanakit,sa kabila ng pag sasakripisyo at pagtitiis wala man lang maramdaman na malasakit o pag alala mula sa mga mahal sa buhay.Maalala lang mag mensahe pag may kaylangan,pag malapit na ang kataposan.Nang matapos na padalhan wala na ulit na mensahe mula sa kanila.

🔥A- Alaala mula sa pamilyang naiwan ang tanging baon at palaging kasama.Tanging pinaghuhugotan ng lakas ng loob para patuloy na malabanan ang lahat ng pagsubok.Mga luhang pumapatak ng palihin pag sapit ng gabi.Dahil sa mga pang aaping dinadanas mula sa mga amo.Na sa tuwing maalala maawa ka sa sarili mo at masasabi mong kaya ko pa para sa kanila.

🔥D- Delubyo ang dinaranas, Sobrang trabaho,kulang sa pahinga at pagkain,delay mag pasweldo,minamaltrato,trinatratong hindi makatao,kinukulong ng mga amo,ginahagasa ng mga dimunyong lalakeng amo,at kung mamalasin ang iba ay nasa kahon kang ioowi sa pamilya mo.

Lubhang napakahirap ang buhay sa abroad na hindi alam ng karamihan.Lalong lalo na dito sa Gitnang Silangan. Kung saan talamak ang nagaganap na pagmamaltrato.Dahil sa napagkaitan ng pribihiliyo na dapat masunod dahil nasa kuntrata.Walang kalaban laban ang iba pag nandito sa bansang ito kapag inaabuso.

Tanggap na lang ng tanggap sa mga pang aabuso.Dahil kapag nanlaban ka,ikaw pa ang mapapasama.Iyan ang masakit na katutohanan.

Mayroon din naman iilang pinapalad at salamat naman.Kung siya ay medyo maayos ang kalagayan ang ating ibang kababayan dahil kahit papano,nasusunod ang nakasaad sa kuntrata.Piro kahit sabihin natin may sumusunod di talaga lahat nasusunod.

Ang buhay sa ABROAD ay puno ng pagtitiis,sakripisyo at pangungulila. Dahil sa pagmamahal sa pamilya na mga naiwan sa pinas,matiis mo lahat,isasakripisyo mo sarili mo,ipapasantabi ang pangungulila at idaan na lang sa pagpatak ng luha,."Matitiis lahat ng lungkot,sakit,hirap,basta para sa pamilya kakayanin ko at para sa pangarap ko sa sarili ko"madalas na lang sambitin ng mga ofw o ng mga nasa ABROAD.

Kaya ang buhay sa ABROAD ay hindi ganun kasarap o kaganda kagaya ng iniisip o inaakala ng iba.Ang buhay sa abroad ay tulad ng isang pakikibaka,isinusugal mo ang sarili mo,sa hindi mo alam kung ikaw ay magiging talo o panalo.

3
$ 0.00
Avatar for Nemi
Written by
4 years ago

Comments