Ang Malungkot na Katotohanan

1 38
Avatar for Nemi
Written by
3 years ago

Sa mundong ating ginagalawan

pisikal na ganda ay mas pinahahalagahan

Kaysa sa busilak na puso at mabuting kalooban

Ito ay isang malungkot na katotohanan

Ang maganda kahit anong gawin

ay mananatiling maganda sa inyong paningin

Basta maganda ay agad kayong nagpapapansin

Makuha lamang ang kanyang Pagtingin

Magandang mukha ay agad n'yong hinahangaan

Kahit hindi n'yo pa alam ang kanilang kalooban

Sa pisikal na anyo kayo ay nabubulagan

Hindi nyo makitang ang ganda ng puso ang mas kailangang Pahalagahan

Sa kabilang banda atin namang pag-usapan

Ang Mga may pisikal na anyo na hindi kagandahan

Pangit kung Ito'y tawagin ng karamihan

Sila ang mga kapos sa gandang pisikal ngunit sa Gandang panloob ay may panlaban

Pangit na mukha ay agad n'yong hinuhusgahan

Kahit hindi n'yo pa alam ang kanilang kalooban

Kung Makapanlait kayo ay ganon ganon na lamang

Hindi n'yo ba alam na kahit ganyan sila ay marunong silang gumalang

Gumalang, bagay na sa kanila'y hindi n'yo mabigay

Pagkat sa tingin nyo sa kanilang itsura paggalang ay hindi bagay

Aba kung ganon rin lang ang inyong pananaw

Sa usapang kapangitan kayo ang mas mangingibabaw

wag kang magpalinlang sa pisikal na anyo

Mas magandang tumingin ka sa ugali at tsaka sa puso

Mainam na maging pangit basta mabuti kang tao

Kaysa isang mukhang Anghel na asal demonyo

Ang gandang pisikal kumukupas din yan

Nawawala yan pag dumating ang iyong katandaan

Ngunit ang kagandahan ng iyong kalooban

Mananatili yan sayo magpakailanman

Hindi ko sinasabing pag maganda ka ay pangit agad ang ugali mo

Hindi ko rin sinasabing pag pangit ka ay mabuti kang tao

Kung maganda ka at maganda ang iyong puso

Napakaswerte mo sapagkat sa biyaya ng kagandahan ay ikaw na ang maraming nasalo.

3
$ 0.00
Avatar for Nemi
Written by
3 years ago

Comments

Nakakalungkot naman

$ 0.00
3 years ago