Tatlong Sekreto ko para yumaman 😎😊

2 27

Paano yumaman ang mga mayayaman? Minsan ba naiisip mo kung ano ba ang sikreto nila? Pareparehas lang naman tayo nabubuhay sa ating bansa. Pero kapag nakikita sila, parang garantisado na eh. Ano kaya ang sikreto nila? Paano nila ito nagawa Yun ang pagusapan natin dito sa post na ito. Magbibigay ako sayo ng 3 Sikreto at Paraan kung paano yumaman.

Simula na tayo.

Secret # 1: Nagiinvest sila sa Knowledge and Skills nila.

Paano ito naging sikreto?Sabi sa entrepreneur.com“according to research from Thomas Crowley, 85 percent of self-made millionaires read two or more books per month.“Ito kasi ang kayamanan na hindi mawawala sayo. Ito rin kasi ang basics mo para may guide ka sa mga decisions mo sa pera.

# 2 Magsimula sa Real Estate

Kung gusto mo yumaman na sobrang liit ng chance na bababa ang pera mo. Mayroon isang boring na paraan, pero ito yun pinaka sulit. Magsimula ka sa real estate Bakit sulit? Eh ang mahal nito? Actually, mas sulit dito ilagay ang pera kesa sa banko. Sa banko siguro mga 1% – 3% ang pwedeng itaas ng pera kada taon Pwede pang bumaba yan dahil sa inflation. Naalala ko dati 14 pesos lang ang trycycle, ngayon 21 pesos na. Pag sa lupa malaking chance na tataas ang nilagay mong pera. Isa itong way para hindi ka maapektohan ng inflation at palaguin ang pera mo. Ito ang isang sikreto ng mga mayayaman.Lalu na sila Manny Villar at Henry Sy. Sinabi ko rin na boring ito dahil talagang maghihintay ka ng taon para lumaki yun pera mo. Boring talaga lalu na para sa ating mga Pinoy. Hilig kasi natin sa luho, gastos, shopping at party diba? Ang isa pang boring way dito ay dapat naaral mo na ipredict yun market. Kapag sa tingin mo na lalaki ang value ng isang lupa dahil magkakaroon ng mrt, transportation or mga mall na malapit. Simulan mo na bumili ng real estate doon para once na dumami ang tao. Pwedeng pwede mo ipa renta or ibenta ng mas malaking halaga. Katulad na nangyayari ngayon sa Fairview, Bulacan, Tagaytay, Cavite Etc. Naalala ko dati pwede ka bumili ng lupa sa Fairview na less than a million Ngayon talagang aabutin na almost 6 million Isa pang reason bakit malaki ang pagtaas ng halaga ng lupa ay dahil nauubos ang supply nito. Sa sobrang parami na ng parami ang tao dito sa Pilipinas.. Marami ang nangangailangan ng titirahan at lalu nauubos ang mga lupa. Dahil dito unti unti nauubos ang supply ng lupa at lalung bibili ang nangangailangan kahit na mahal ito. Parang scalper sa laro ng PBA championship diba. Nabebenta nila ng malaki yun ticket dahil ubos na. Magandang ito para sa mga nagsimula na sa real estate Talagang mabebenta mo yun ng mas mataas or mapaparenta ng malaking halaga kesa nung pagbili mo.Boring pero sulit db? Kung seryoso ka talaga na palaguin mo ang pera mo para yumamanWilling ka naman maghintay.Ito ang best way na gawin yun. Sabi nga ni Robert kiyosaki, isang hinahangaan na mentor sa real estate. Real estate investing even on a very small scale, remains a tried and true means of building an individual’s cash flow and wealth. Paano Yumaman Robert Kiyosaki Naglalagay ka naman ng pera sa banko db? Bakit hindi na lang sa lupa?

It’s time to reasearch at tignan ang mga lugar na sa tingin mo dadami ang mga tao.

# 3 Magsimula ka ng Business

  • Mayroon kayang low risk na pwedeng simulan tapos mataas ang pwedeng ibalita Ito ang medyo challenging pero once na nakuha mo siya malaki talagang ang pwedeng magbago sa buhay mo. Ito ang pagstart ng business. Low risk ang sinabi ko kasi pwede mo naman ito unti untiin. Marami lang ang nalugi dito dahil sobrang excited sila masyado sa sinimulan nila. May nakilala ako inuna niya muna yun opisina at paghire ng mga empleyado kesa sa pagtest ng produkto .Dahil doon hindi pala proven yun produkto nagbabayad na agad siya ng renta at most ng mga savings niya pinangbayad niya sa mga empleyado.

    Saklap ubos talaga ang pera niya .Pero pwede mo naman siya unti unti

  • For example

Kapag magstart ka ng restaurant mo. Pwede ka magsimula sa pagtinda sa mga kapitbahay mo or kamaganak or kaopisina mo. Tignan mo muna kung may demand sa produkto mo. Hindi mo naman kailangan magput up agad ng restaurant or maghire ng mga empleyado Pag dumami na ang customers mo dahil shinare na ng mga kamaganak mo at nagkaroon ka na ng loyal customers. Once na nakita mo na nahihigitan na ng sales mo yun mga ginagastos mo.

Doon ka magexpand. Doon ka na magpagawa ng restaurant at maghire ng mga empleyado. Kuha ka muna ng mga loyal customers mo mula sa mga kakilala mo. Sila kasi ang tutulong sayo para mapalago mo unti unti ang restaurant mo. Ngayon kung wala talagang bumibili baka kailangan mo ibahin yun recipe mo.

Diba low risk?

Medyo challenging lang talaga dahil kailangan mo magluto at itry yun mga recipe mo. Isa pa ay ibabalanse mo yun mga ginagastos at kinikita mo. Mahirap ito lalu na kung may full time job ka. Pero worth it na worth it yan sakripisyo mo once magawa mo siya. Lalu na kung pangarap mo talaga yumaman gamit ang negosyo Ang maganda pa dito, mapapamana mo pa sa pamilya mo. Yan ang matinding sikreto kung paano yumaman. Hangang sa mga susunod na henerasyon, yayaman sila dahil sa contribution mo.Malay mo makilala pa ang pamilya mo dahil sayo. Diba

Nagsimula yan dahil sayo.

Ayos ba marami ka ba natutunan?

Alin sa mga sikreto na ito ang nagbigay ng big idea para sayo?

Willing ka bang gawin ang 3 sikreto kung paano yumaman?

Ngayon, paano kung wala ka talagang pera para makapagsimula.?

Shinare ko doon yun 3 paraan na pwede mo simulan ngayon sa online para kumita.

Yun maganda pa dito hindi kailangan ng puhunan. Pwede ka magsimula ng libre. Ganda diba?

Excited ka na?

Pwede ka mag iwan ng Tip Jan kung may natutunan ka sa tatlong secreto ko para yumaman and I hope na maging successful ka sa buhay na tatahakin Godbless youu😇😇😇

11
$ 0.00

Comments

thank you sa info❣️

$ 0.00
4 years ago

Maraming ways para yumaman. Salamat sa publish.

$ 0.00
4 years ago