read.cash Log in
@Nathan6692 more from that month

Umuwi ako kanina na may dalang boneless bangus na inihaw para sa aming hapunan ngunit pagdating ko sa bahay ay tapos nang kumain ang asawa ko at ang anak ko. Excited pa naman akong kumain kasama sila ngunit tulog na ang anak ko pagdating ko. So para may kasabay akong kumain ay sinaluhan ako ng wife ko at kumain sya ulit. Nabusog din naman ako ngunit hindi namin naubos ang isang bangus. Ngayong araw ang nakatakdang araw para sa LET result sa board exam na ginanap noong October 2 at kasama ang wife ko sa nag take ng exam na iyon. Ngayon ay hindi pa namin tiningnan dahil kinakabahan daw siya at baka wala ang pangalan niya sa listahan ng mga nakapasa. Sinabi ko sa kanya na kung hindi siya makapasa ay may susunod pa naman. Marami pa namang pagkakataon upang sumubok ulit. May mga teacher nga diyan na matatanda na bago nakapasa eh siya pa kaya na hindi pa naman lumalagpas sa kalendaryo. Please pray niyo rin wife ko na sana makapasa siya at nasa listahan ang pangalan niya. Thank you! 🙏

5 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.