Tips For Those Who Plans To Buy PC/Laptop

0 35
Avatar for Narsanvil
4 years ago

1. Memory - RAM

Yung mga browser lalo na si Google Chrome ay malakas lumamon ng memory, usually mga 3-5 tabs ng browser mo eh umaabot na ng 1gb yung na coconsume nya. Eh 4GB lang RAM mo, tapos mag bubukas ka pa ng mga video sa YôùTùbé, tapos scroll scroll sa fb tapos papa tugtog ka pa sa spotify at sasabayan mo pa ng laro mo mapa ragnarok, ran online o anu pa yan kakain ng memory yan! Madali naman ito i upgrade so kung nakabili ka ng medyo mababa, bumili ka nalang para madagdagan, sasalpak lang naman yan pero make sure na yung speed eh kapareho ng nakakabit na sa unit mo dahil kung hindi(sa mga lumang model)hindi yan gagana. Sa bagong model naman ng laptop at motherboard sa pc, babasahin nya yung may pinaka mababang speed. Kaya be smart kayo dito 8GB pataas sana pero kung nakabili na upgrade nalang.


2. Processor - CPU
Eto yung utak ng computer or ng laptop mo, paikliin lang natin. Sa ngayun ang mababang mga recommended sa range ng processor na masasabi nating mabilis naman is sila i3 para sa intel, ryzen 3/athlon para amd. Tapos meron pang generations yan recommended ko 6th gen onward sa intel, ryzen series generation para sa AMD. Hindi ko sinabing kailangan ganyan agad ang bilin nyo pero yung mga Intel Atom na yan at Intel Celeron sa mga laptop eh hindi okay sa mga heavy usage. Pero kung pang susurf mo lang sa web pang microsoft word at excel pwede naman na sya, pero PROMISE SOBRANG BAGAL lalo pag madami ka ng binubuksan files na sabay sabay? Jusme.

3. SSD vs HDD
Once you go SSD you'll never go back to HDD. Faster bootup, faster loading ng apps ng games basta bibilis sya pag naka SSD. So kung pipili kayo yung may SSD na or kung nakabili na Upgrade nyo nalang din. Yung mga bagong laptop may slot for m.2 types of ssd so pwede rin silang mag SSD+HDD.
Kadalasan sa i3,i5 ng intel at ryzen 3 ryzen 5 na laptops may specs sila na 128GBSSD+1TB HDD, oks na oks yan.
Storage space at price naman mas mahal si SSD di hamak kay HDD, 240GB SSD is equal 1TB HDD pag sa presyo ng pyesa ang pagbabasihan.

4. Pailaw Gimik at Warranty
Nako po marami nito, tipong mga 2nd hand na part at old generation unit isasaksak sa bagong casing at lalagyan ng mga pailaw? Yung iba sasabihin brand new pa at gandang ganda ka naman hahaha, wag na wag kayong papauto dito.
Importante si warranty, tama mabibigyan ka nila ng warranty sa 2nd hand, kaso ilang months kaya yun?
Sa bagong unit at parts, 1 yr. ang pinaka mababa then papasok pa dyan si distro, pag phase out na yung item na pina warranty mo sa kanila papalitan nila yan ng latest na model. Kadalasan ang warranty talaga is 2-3 Years. Sa 2nd hand talo ka dyan tapos older generation pa at biglang may part/s na masisira nalang bigla at wala ka ng magagawa kundi magpalit na. Pero kung wala sayo problema mag sunog pera $$$ moneys eh nasasayo na yan.

Pang browse browse lang:
Lenovo S145-14IWL 81MU000NPH, black, Celeron N4205U 1.8ghz, 4gb, 500gb, 14", w10 SRP@12,999

Suggestions for online class:
Lenovo S145-14IWL 81MU00JPPH, gray, i3 8145U 2.1-3.9ghz, 4gb, 512gb, 14", w10 SRP@₱22,999 - add 120SSD @ 1,560 - add 4GB RAM @ 1,160

Acer Aspire 3 A315-42 R954, red, ryzen 3 3200u 2.6-3.5ghz, 4gb, 1tb, 15.6", w10 SRP@₱22,999 - add 120SSD @ 1,560 - add 4GB RAM @ 1,160

Lenovo S145-14AST 81UV002LPH, black, ryzen 5 3500u 2.1-3.7ghz, 4gb, 128gb+1tb, 14", w10 SRP@₱23,999 - add 4GB RAM @1,160

3
$ 0.00
Avatar for Narsanvil
4 years ago

Comments