Simula kaninang madaling araw, malakas na ang buhos ng ulan. Hindi mo na naman mawari kung may bagyo ba o sadyang uulan. Malakas pa ang kulog at kidlat na bihira ma experience. Marahil dahil sa init ng panahon.
Bihira ang ganitong pagkakataon na malamig ang panahon lalo na sa Metro Manila at karatig probinsiya. Ito ay dahil dulot na rin ng ulan simuka pa kaninang madaling araw. Masarap nga humigop ng kape o kaya lomi o sabaw, pampa init ng sikmura. Hindi na din kelangan malakas ang paggamit ng electric fan dahil sa lamig.
Based sa experience ko, masarap sa pakiramdam kapag ganitong medyo malamig dahil palaging mainit araw araw. Hindi kagaya sa Cordillera na bihira din mainit. Yung palaging nka jacket or sweater dahil sa lamig. At hindi mawawala ang kape.
Ngayong umuulan, nakaka miss din ang probinsiya. Pinapaala nito ang klima na malamig lalo na tuwing December, January at February na talaga namang manginginig ka sa lamig tuwing gabi.
Sana mawala na itong pandemya para maka bisita naman sa probinsiya.