Batang Ina

0 11
Avatar for Nami
Written by
4 years ago

Maraming mga kabataan sa panahon ang maagang namumulat sa hirap ng buhay, pero masasabi ba natin na sila ay salot ng lipunan? Mahalaga na kilalanin muna ang isang tao bago ito husgahan. Sa sarili kong karanasan ang maagang pagaasawa ay hindi nangangahulugan na ikaw ay babagsak na at hindi namakakaahon. Dahil katulad ko na nabuntis ng maaga nagsumikap ako para lalo kung maabot ang mga mithiin at pangarap ko sa buhay. Ang pagbubuntis at pagkakaroon ng anak ay hindi isang pagkakamali, bagkus isa itong biyaya na magmumulat sayo kung pano mamuhay sa mundo. Dito ko din naranas ang hirap ng aking mga magulang. Masuwerte ako dahil may roon akong asawa na sinusuportahan lahat ng gusto kong gawin sakin buhay pinagaral nya ako at nabibigay nya lahat ng gusto namin at pangangailan namin magina. Sana nga lahat ay may roon katulad nya na mapapangasawa. Isa lang ang masasabi ko sa mga naranas ko sa buhay na dapat magisip muna tayo bago sumubok ng isang bagay.

0
$ 0.00

Comments