Join 79,070 users and earn money for participation

NA Scam Ako!

0 7 exc boost
Avatar for Nakee
Written by Β Β 2
4 months ago

June 3, 2021 ng makita ko ang isang post ng kaibigan sa kanyang Facebook account , nag post kasi sya patungkol sa earnings nya na nasa binance account nya, so on that day nag personal message ako sa kanya , nag tanong ako sa kanya paano nya nagawa yun na nagkalaman ang kanyang binance ng $200 which is malaking amount na rin po kasi yun.

Hindi ko na sinayang ang pagkakataon dahil kilala ko naman talaga yung kaibigan ko na yun. Nag ka chat na kami that time and ipinaliwanag nya lahat sa akin , pina REGISTER nya agad ako sa application na yun at ang tawag po doon ay ang Muyann66 nag register po agad ako doon (name, cellphone number at password lang ang kailangan). Sa ikalawang araw kinailangan ko pala na mag observe sa kanilang group chat. So doon ko nakita ang lahat ng galawan nila doon.

Ang Muyann66 ay isang platform kung saan May isang instructor na mag sesend ng Betting Advice sa mga downline at automatic na susunod ka lang sa pinaka coach ng Telegram Group per capital may sari-sariling amount kung magkano lang ang e bet mo, at heto pa once na natalo ibabalik ni instructor ang pera , but never pa raw natalo si instructor, kung kaya't napakarami ang gustong kumita lalo na po sa sitwasyon natin ngayon na kagaya ko na walang work subalit patuloy ang pagbabayad ng utang.

Ito po yung pinaka game space ng muyann66 small or big lang ang aming pag pipilian base sa sinabi ng instructor. Sa loob po ng 35 days sa oras ng 12:00 noon to 6:00pm diyan lang po ako naka fucos ang $20 ko umabot ng $357 subrang saya ko noon hanggang July 11 ng gabi. Subalit naganap ang pag eescam nila sa members ng muyann66 July 12, 2021 dakong 7:00pm marami ang nagulat dahil ang app ay hindi na mabuksan. Marami ang nag chat lalo ang mga kaibigan ko na na-invite ko.

Subrang nakakalungkot po dahil sa kauna unahang pagkakataon na scam po ako kasama ng halos isang libong mga members o higit pa po, billion po ang na scam nila sa mga Pilipino na tanging hangad lang naman ay kumita at makatulong sa mga mahal sa buhay.

Marami ang nagkaisa na mag file ng reklamo May iba na pinaabot kay sen Bong Go, at sa isang radio station kung saan nagpaabot ang isang member ng open letter para kay sen Bong Go. At marami po ang umaasa at mabigyan ng hustisya ang pang loloko nila , para sa akin ok na sana dahil subrang liit lang naman ang aking na i-invest, subalit nakakaiyak para sa mga members na ipinangutang pa nila ang kanilang pinang invest.

Sabi nga nila mag invest ka ng pera na yung kaya mong mawala, para hindi masakit sa ulo at bulsa.

1
$ 0.00
Avatar for Nakee
Written by Β Β 2
4 months ago
Enjoyed this article?  Earn Bitcoin Cash by sharing it! Explain
...and you will also help the author collect more tips.

Comments