Pancit canton with a twist

1 53

Luto tayo! Ang isishare ko sainyong recipe is super simple lang and madali. Like we all know, pancit canton is so easy to cook. Para to sa mga tamad magluto and gusto halos instant lahat. Pero dahil nga may word na TWIST ang recipe na ito, may dagdag syang gagawin. So simulan na natin.

(INGREDIENTS)

*Pancit Canton Instant (it's up to you kung ilan at kung gano ka katakaw)

*2 eggs

*Onion

*Garlic

*Salt

*Black pepper (durog)

*Spring onion

*2 calamansi

(PROCEDURE)

1. Magpakulo ng tubig para sa pancit canton. Pag kumukulo na ilagay ang pancit canton at hintaying maluto sa loob ng 3 minutes. Wag iover cook, dahil di na masarap. Idrain ito o alisan ng tubig.

2. Timplahin ang seasoning ng pancit canton.

3. Hiwain ang bawang at sibuyas. Igisa ito sa mainit na mantika at ihalo ang natimpla nang seasoning ng pancit canton.

4. Ilagay ang pancit canton sa ginisa mo at haluin. Siguraduhing malagyan lahat ng seasoning.. Para equal lang. Walang paboritismo dapat. Medyo matabang yan kaya pwede nyo rin timplahan ng additional na asin at paminta. Hinay hinay lang sa paghalo para di maputol ang strands ng pancit canton 😅

5. Magbati ng itlog, timplahan ng salt and pepper. Lutuin ito sa mainit na mantika. Make sure na flat lang ang itlog, huwag nyong haluin ng haluin (baka masaktan). Hanguin ito. Pag di na masyado mainit. Iroll ito at islice mo pabilog.

6. Ilagay na sa plato o mangkok ang pancit canton. Then lagyan ito ng 2 calamansi. Mas maasim, mas masarap.

7. Ilagay sa ibabaw ang itlog. And slice nyo yung spring onion. At ibudbod sa ibabaw. And there you go! Feeling chef na kayo at nakagawa ka pa ng pancit canton na kakaiba kesa dun sa nakasanayan nyo.

Enjoy eating!! 😊

2
$ 0.00
Sponsors of Myt.24
empty
empty
empty

Comments

Nice article

$ 0.00
4 years ago

Wow nice article, nice recipe penge nalang po ako pra di nako magluluto haha 😂 😂. Diba mas mgandanang naisip kona yun hehem

$ 0.00
4 years ago

Haha.. Pangtamad na nga yang recipe ko e. Tinatamad ka pa rin lutuin? Haha. Ganito nalang. Subscribe ka sakin, like mo lahat ng articles ko.. Then lulutuan kita nyan 😂 Deal? 😂

$ 0.00
4 years ago

Deal ni problems sakin 😋 yun. Basta kasama free delivery 🚚 haha. Okaybna okay oag ganun nga mang yayari

$ 0.00
4 years ago

Uyy parang sineryoso ahh hahaha. 4 lang kanina subscribers ko.. Ngayon 5 na 😂 bilis kausap ahh. Gutom sa pancit canton 🤣

$ 0.00
4 years ago

Whaha madali lang po ako kausap haha 😂

$ 0.00
4 years ago