Entomophobia

0 121

"Aaaaahhhhh!! 😱" lagi kong sigaw pag may naririnig o nakikita kong lumilipad lipad na insekto, diretso takbo sa lugar na safe at imposibleng mapuntahan agad ng insekto. Ang tawag pala sa phobia sa mga insekto ay ENTOMOPHOBIA. Ito ay ang pagkaramdam ng kakaibang pagkatakot sa mga insekto. Bakit nga ba nagkakaroon ng ganitong fear? Iba iba ang dahilan.. Pero kadalasan dahil sa negatibong experience natin sa mga insekto. Gaya sakin.. Nung bata ako, mahilig kami manuod ng basketball sa court na malapit lang sa bahay namin. Gabi na non at maraming ilaw. Marami rin insekto na lumilipad lipad dahil sa ilaw na lumiliwanag sa buong court. Masaya kaming nanunuod non.. Pero nararamdaman ko na may tumutusok sa paa ko. Pagtingin ko.. may ISANG NAPAKALAKING INSEKTO!! Na ang hitsura.. Kulay black sya na malaki at may pang ipit gaya sa crabs. Naiimagine nyo ba? Uang ang tawag samin non. Igoogle nyo nalang para makita nyo hitsura. Tapos nang mataranta ako.. Naisipa ko ata paa ko non at siempre nawala na yung insekto.. Pero may sugat paa ko. Dahil ata dun sa ipit nya 😱. Yun ang naaalala ko kaya until now natotrauma pa rin ako sa mga insekto. Ang ayaw ko lang kasi sakanila yung legs nila na nakakatusok. Basta ayoko sa insekto talaga. Di ko alam kung gusto nila ko.. Pero ayaw ko sakanila. Hahaha. Alam ng family ko yan.. Kaya everytime na may nakakapasok sa bahay namin na insekto to the rescue agad sila para palabasin ito at alisin sa pamamahay namin. Sweet diba? Haha. Well, di ako babalik sa lugar na yon hanggat andun yung insekto e. As in sigaw at takbo agad ako nyan. Minsan nakakaya ko naman sila ihandle pero kadalasan talaga (lalo kung nagulat ako) natatakot ako. Lapitin din kasi ako sa insekto. Alam mo yung moment na lahat kayo nasa iisang lugar, pero yung lipad ng insekto laging papunta sayo. Di ko alam kung crush ako ng mga insekto, o nantitrip lang sila sakin 😂. Bat kasi ganun ang hitsura ng insekto. Alam ko di naman nila gusto na ganun hitsura nila.. Pero kasi.. Wala e. Takot akuuu.

Kayo ano ba ang kwentong insekto nyo? O anong phobia rin ba meron kayo? Pashare naman. 😉

1
$ 0.00
Sponsors of Myt.24
empty
empty
empty

Comments

Ha ha ha ha ha. Ganyan ako peg mi nakitang sipis ( ipis) ha ha ha.

Telege nemen e nakaka sigaw kanilang pag lumilipad na sila.

$ 0.00
4 years ago

Hahahha.. Kakatawa nalang after e.. Pag inaalala mo reaksyon mo. 😂

$ 0.00
4 years ago