Pamahiin tungkol sa pusang itim

0 16
Avatar for MyEverything
3 years ago

Tayong mga tao ay binigyan ng napakagandang pribilehiyo sa mundong ating ginagalawan ngayon. Hindi natin maipagkakaila na tayo ang lubos na pinagpala sa lahat ng mga nilikha.

Likas sa isang tao ang pagkakaroon ng emosyon na kung saan nakakaramdam tayo ng kasiyahan, kalungkutan at kung ano pang mga klase ng emosyon.

Sa mga photos na ibinahagi ng Public Information Office ng Asingan sa Pangasinan, kita kita ang itim na pusa na nasa tabi ng casket ng isang 26 days old baby.

Ayon sa pamilya ng namaalam na sanggol, nagulat na lang umano sila nang bigla na lang tumabi ang kanilang pusa sa casket ng sanggol.

Pinapaalis na rin umano nila ang kanilang pusa sa tabi ng kanilang baby, ngunit sa tuwing nakikita umano ng kanilang pusa na walang kasama ang kanilang baby, bumabalik ito.

“Noong una po pinapalayo namin tapos bumabalik po siya. Tapos noong walang maiiwang makakasama ’yung baby namin... bumabalik po siya.

Sinabi namin, ’Sige diyan ka muna bantayan mo muna si ading mo ah?’” sabi ng nanay ng sanggol na si Evelyn Romero.Ayon naman sa PIO ng Asingan, na saad pa ng isang animal behavior expert, ang biglaang pagbabago sa kanilang environment ay nakakaapekto din sa mga mental state ng mga hayop.“Anumang kalungkutan na nararamdaman ng hayop ay kaakibat ng biglang pagkawala ng malaking bagay na bahagi noon ng pang-araw-araw na buhay nito,” aniya.

Sa kwentong ito, masasabi talaga natin na hindi basehan kung sino at ano ka para iparamdam mo sa isang tao o maging hayop man niyan na mahalaga sila.

Kaugnay ng kwentong ito, nag viral kamakailan lang ang isang nakakainspire na kwento ang kumalat sa social media matapos ibinahagi ng Facebook page na Definitely Filipino ukol sa isang batang lalaki na nakasabay ang isang babaeng suki sa tindahan ng mga pagkain at iba pang kagamitan para sa mga hayop.

Kinilala ang batang lalaki na si Alden, kinuhanan ito ng litrato habang bumibili ng pagkain para sa pusa sa nasabing tindahan.

Ang babae umano na nag post ng mga larawan ni Alden ay may nais ring bilhin sa tindahan kung saan nakita niya ang ang batang lalaki habang namimili ng kanyang pagkain na bibilhin.

Matapos makapamili ay tinanong ng tindero ang bata kung ilang kilo ang bibilhin nito, nahihiyang namang tumugon si Alden dito ng..

"Sampung piso lang po"Hindi naman napigilang ng babaeng naghihintay na suki di umano ng tindahan at sinabi sa tindero na dagdagan pa ang binili ni Alden ng halagang P50 piso ang pagkaing binili nito.

"Maraming Salamat po!" Laking pasasalamat ng bata sa ipinakitang kabutihang loob sa kanya ng 'di kilalang babae.

1
$ 0.00
Avatar for MyEverything
3 years ago

Comments