Ikaw pa rin

0 5
Avatar for Ms.mbb
Written by
3 years ago

Sa tuwing ako'y nag-iisa. Ikaw pa rin ang laging laman nitong isip ko. Binabalik-balikan ko ang tamis ng pag-ibig mo na bigla na lang naglaho na parang bula. Binabalik-balikan ko ang lahat ng alaala na alam kong kailan man ay hindi na mababalikan pa. Walang araw na hiniling ko na sana naman ako'y iyong muling mahalin. Na sana maalala mo ang unang araw kung paano mo binigkas ang salitang "Mahal Kita". Kung paano mo ako niyakap nang mahigpit sa unang pagkakataon. Binabalikan, oo lahat ng ito'y binabalikan ko na lamang. Dahil hanggang ngayon ikaw pa rin mahal. Ikaw parin kahit sobrang sakit na.

1
$ 0.00

Comments