Short Poetry

0 5
Avatar for MrMoonLight23
2 years ago
Topics: Short poetry

This is a compilation of short Poetry that I made

One :

Sa isang hindi inaasahan

May biglang hanging na dumaan

Ang puso'y nabigyan

Ng sandaling kasiyahan

Na syang naging sandalan

Sa oras ng kagipitan

Ngunit ang lahat ay may hangganan

Dumating ang katotohanan

Na kailangan ng pigilan

Ang pagibig na nararamdaman

Kailangan bang bitiwan

Ang pag asang wlang kasiguraduhan

Naiwang sugatan

Ang pusong puno ng kalungkutan

Pilit na tinuturuan

Na unti unti many kalimutan

Ang pinagmulan ng kaligayahan

Na nag dulot ng katapusan

Two:

Pag ibig na hindi mabigkas

Parang isang ibong pilit tumatakas

Sa hawla ng tadhanang nag lalandas

At kahit among gawing bakal na kwintas

Puso'y ayaw umiwas

Parang isang balangkas

Ang sakit na humahampas

Sa pusong dati'y puno ng lakas

Na tinangay ng maling landas

Three:

Di ko kayang sabihin

Ang pag mamahal na mahirap aminin

Sa taking di ko kayang pilitin

Na ako'y kanyang mahalin

Kahit na mahirap gawin

Umiwas na syay kausapin

Upang pigilan ang dam damin

Na di kayang dinggin

Mananatiling nakatingin

Sa kanyang ngiting masarap damhin

Para panatilihin

Ang pag kakaibigang mahirap damhin

Four:

Dumating na ang tamang oras

Unti unti nang nag pupumiglas

Ang pagibig na gustong kumalas

Sa lubid na ubod ng tigas

Gusto nang umiwas

Ng pusong puno ng tastas

Sa pag mamahal na di ligtas

Na pilit paring tumatagastas

Five:

Parang isang rating tumatatak

Ang sakit na sumasaksak

Sa pusong pilit winawasak

Nang pag ibig na di tiyak

Pilit na humahalakhak

Upang ikubli ang pag bagsak

Ng mga luhang tumatagaktak

Mula sa damdaming umiiyak

That's all

Soon every single one of it I will create an article to explain the reason why I managed to write them. There are really lots of things that happen. Things that sometimes I can't really handle GOOG thing I managed to express them through this

Thank you

Mr Moon Light 23 🌙

1
$ 0.00
Avatar for MrMoonLight23
2 years ago
Topics: Short poetry

Comments