Young love

0 23
Avatar for Mr.Cris74
3 years ago
Topics: Adolescence

Sana hindi Ito maban.

MAYBE

(Neocolours)

Ewan ko ba sa sarili ko, mukha na akong tanga. Naghihintay ako sa kanya, tapos kapag nanjan na sya, magtatago naman ako. Ayokong makita niya ako, basta makita ko lang siya, masaya na ako, buo na ang araw ko.

(There I was

Waiting for a chance

Hoping that you'll understand

The things I wanna say

As my love went stronger than before

I wanna see you more and more

But you close the door)

Inabot na ako ng alas tres ng hapon, pero kahit anino niya, wala akong nakita.

Siguro, naka daan siya ng hindi ko nakikita, o baka hindi talaga siya pumasok, bakit kaya, ano kayang nangyari sa kanya?

"Oy, Dennis, uwe ka na raw sabi ng ate mo, utusan ka raw," bigla kong narinig na sinabi ni Linda, kaklase ni ate.

"Sige po, salamat," sagot ko.

Ang bigat ng paa ko papauwi sa amin, parang ayokong humakbang palayo, kung saan ko siya laging hinihintay na dumaan papasok sa school niya.

"Redencio, halika nga bata ka," sigaw ni nanay ng masalubong ko.

"Bakit po?"

"Kanina ka pa hinahanap ng ate mo, bumili ka nga ng puto kutsinta diyan sa kanto, may bisita siya," utos ni mama sabay abot ng isang daan.

"Magkano 'ma?"

"Ibili mo na lahat yan, at makameryenda ka na rin," ani ni Mama.

Nanlalambot akong bumalik sa kanto.

"Bilisan mong bata ka!" Sigaw pa ni mama.

"Opo. " Sigaw ko rin.

Pagdating ko ng bahay, nanghihina na ako.

Ang bigat ng dibdib ko, hindi ko mapasaya ang sarili ko. Ewan ko ba, siya talaga ang lakas ko.

Wala namang tao sa sala.

"Mama," sigaw ko. Akala ko ba may bisita si ate, nasaan sila? Tanong ko sa sarili ko.

Diretso akong kusina, kumuha ng plato at kumuha ako ng binili kong puto kutsinta.

Masarap talaga itong puto kutsinta.

Hindi ko na namalayan, kalahati na pala ang nakain ko.

"Pambihira ka Edeng, nauna ka pang kumain sa bisita ko," biglang bungad ni ate sa kusina, habang punong puno yung bibig ko, pero para akong natuklaw ng ahas, at hindi makahinga, sa nakita kong kasunod ni ate.

"Tingnan mo itong lokong ito, nahirinan pa yata," narinig kong sabi ni ate na nataranta. Bigla niya akong binatukan. Kaya tumaksik yung laman ng bibig ko.

"Aray!" Sigaw ko. medyo muntik na akong umiyak. Pero hindi ko naituloy, kasi narinig ko siyang tumawa.

Para akong nakarinig ng tawa ng isang anghel.

"Hello Edeng," bati ni Carol saka kumaway sa akin.

Hindi ako makakibo.

Hindi ako makahinga.

Hindi ako nakurap sa pagkakatingin sa kanya.

Nakakahiya ang itsura ko.

"Ok ka Lang?" Sabi pa ni Carol, saka hinaplos ang ulo ko.

Ewan ko ba, pero napatango na lang ako.

At napatungo. Nakakahiya talaga.

"O eto Carol, kain muna tayo, muntik pa tayo ubusan ng batang matakaw," sabi ni ate, na natatawa. Alam ko naman na nagbibiro lang si ate.

'Si ate naman e, di ako matakaw, nakakahiya kay Carol." Mahina kong sagot.

"Nahiya ka pa ng lagay na iyan ha?" Panunukso ni ate.

Ngumiti lang si Carol sa akin. Ang saya saya ko, nginitian ako ng babaeng mahal ko. Para akong idinuduyan sa hangin. Napapikit ako sa kaligayahan at ninamnam ang ligaya sa puso ko.

Nang magmulat ako ng mga mata ko, wala na sila, iniwan na pala ako.

Hindi ko alam kung bakit parang lumakas ang loob ko, takbo ako sa terrace namin, pinitas ko ang isa sa pinakamagandang rose ni Mama.

Alam ko na nasa room ni ate silang dalawa.

Agad akong pumasok at nakita ko silang nagtatawanan.

Sabay pa silang napalingon sa akin.

"O bakit bunso?" Tanong ni ate.

"Para sa mahal ko," diretso kong sinabi at inabot kay Carol ang rose.

(Why don't you try

To open up your heart?

I won't take so much of your time

Maybe, it's wrong to say please love me too

'Cause I know you'll never do

Somebody else is waiting there inside for you)

Bigla silang nagtawanan.

Natulala ako.

"So- sorry bunso," Sabi ni ate.

"Nakakatawa ba ang sinabi ko?" Tanong ko sa kanila.

"Bunso, hindi naman,... Pero kasi," sabi ni ate.

"Edeng, may boyfriend na ako." Sabi ni Carol.

"Alam ko,... Si Julius, yung taga Molino." Agad kong sagot.

(Maybe, it's wrong to love you more each day

'Cause I know he's here to stay

But I know to whom you should belong)

Oo alam kong may boyfriend na siya, nalaman ko noong sinundan ko silang dalawa sa plaza.

Doon ko nakitang hinalikan siya ni Julius. Kaya alam kong may boyfriend na siya.

"O alamo na pala e, " kaya hindi na pwede, " Sabi ni ate.

"Mas pogi naman ako sa Julius na yun!"

Nagtawanan uli sila.

"In fairness, oo nga, mas pogi siya," sabi ni Carol kay ate.

Tuloy uli silang tumawa.

"Bunso, may babaeng para sa iyo." Sabi ni ate.

Umiyak akong bigla.

Ewan ko kung bakit.

Parang may masakit sa dibdib ko.

"Naku ..." Sabi ni Carol na nagulat.

"Bunso, ano ka ba?"

Umiyak ako ng umiyak.

Bigla akong tumakbo.

Nagkulong ako sa kwarto ko.

Bakit ganoon.

Parang ang sakit sa dibdib.

Narinig kong kumakatok sina ate sa room ko, pero hindi ko binuksan.

Hindi ko na alam kung anong oras na ng magising ako, nakatulog na pala ako.

Narinig kong may nag uusap sa sala.

Sina Mama, kasama si ate at kuya Joey. Boyfriend ni ate.

Napalingon sila sa akin.

"Bunso, ok ka na?" Tanong ni ate.

Napatungo na lang ako.

Lumapit si kuya Joey sa akin. Inakbayan ako at inaya sa terrace.

"Halika, usap tayo."

Secret na lang muna yung pinag usapan namin ni kuya Joey.

Nang pumasok kami, parang wala lang nangyari, pero nakita kong nag thumbs up si kuya Joey kina ate at Mama.

Pagkakain ng hapunan, diretso na ako sa kwarto ko, maglaro na lang kaya ako ng video games.

Pero naalala ko si Carol.

Alam ko, mas matanda si Carol sa akin, pero siya talaga ang gusto ko, siya ang mahal ko.

(I believed what you said to me

We should set each other free

That's how you want it to be

But my love went stronger than before

I wanna see you more and more

But you closed the door

Why don't you try to open up your heart?

I won't take so much of your time)

Pero, siguro tama nga yung sinabi ni kuya Joey, pwede ko siyang mahalin ng walang hinihintay na kapalit, basta masaya ako kapag masaya siya. At kapag pinaiyak siya ni Julius, lagot sya sa akin.

Mas pag butihin ko daw pag aaral ko, at maging

mabait akong bata, para kung sakali at baka daw magustuhan ako ni Carol,

baka nga daw hintayin pa niya ang paglaki ko.

Pero dapat nga pala sa bakasyon, magpatuli na ako.

- end-

1
$ 0.00
Avatar for Mr.Cris74
3 years ago
Topics: Adolescence

Comments