(Hello, try ko lng to post here.)
Playtime With My Little Daughter.
By: Mr.Cris74
Saturday morning ng maisipan kong kutingtingin ang motor ko,
past 9am na,
tapos na kmi mag breakfast at nag lalaba si misis,
while yung unica hija kong 2 years old nag lalaro ng mga lutu- lutuan nya sa sala.
Mga 30 minutes na,
nang lumabas si misis, naiinis at nawalan na naman ng tubig.
Sabi ko
Bukas na lang nya ituloy pag lalaba nya.
Pumayag naman sya.
Nag paalam sandali at bibili daw ng ulam for lunch.
Nang lumabas sya at isinara ang gate,
takbo ang aming anak at nahabol sa nanay nya.
Mabuti na lang at nauto ko, at hindi umiyak.
Sabi ko
Baby huwag ka na humabol kay Mommy, laro na lang tayo.
Ok?
Pumayag naman sya.
Pumasok ng bahay at maya maya pa,
lumabas sya at may ipapakain daw sa akin.
Niluto daw nya na itlog.
Kasama sa mga laruan nya,
plastic fried egg.
Nakiride on na lang ako.
Pangako ko na makikipaglaro ako e.
Kunyari kinain ko
Tuwang tuwa sya.
Tuloy ko lang ginagawa ko.
Pumasok uli sya.
Maya Maya,
Labas uli,
Kain daw ako ng apple.
Plastic apple.
Ok.
Kain uli.
Tuwang tuwa uli sya.
Tapos sabi nya,
Gusto nya ng Stick O
Yung chocolate na stick.
Sabi ko sige kumuha ka sa loob.
Dahil meron syang isang jar na binili ni misis,
dahil paborito niya ito.
Paglabas nya,
May dala sya,
Tig Isa kami.
Kinain ko rin.
Pasok uli sya.
Paglabas, tig isa uli kami.
Hanggang makatatlo na yata kami.
Medyo nasamid na ako.
Sabi ko nauuhaw ako.
Kuha daw sya ng tubig.
Sabi ko sige.
Touch ako sa baby ko.
Paglabas nya,
Napatawa ako,
Dala nya yung laruan nyang cup and saucer,
Walang tubig pero ipinaiinom sa akin.
Sabi ko
Baby I need tubig
Kuha ka sa loob sa galon ng mineral.
Lagyan mo yan.
Natuwa sya.
Pasok sya sa loob.
Yung galon ng tubig namin
Pinili ko talaga yung pinipindot lang para makaya nyang kumuha ng tubig kapag gusto nya.
Sakag yung patungan, abot lang niya.
Maya maya
nakita ko syang dahan dahang lumalabas
Ingat na ingat na huwag matapon ang tubig.
Natuwa naman ang puso ko.
Ang sarap pala sa pakiramdam na may anak ka na pwedeng magbigay ng tubig sa iyo.
Pag lapit nya,
nag thank you ako.
At ininom ko.
Sabi ko,
"One more,"
Kasi ang liit ng tasa,
Isang lagok ko lang.
Pagbalik nya,
Ganun uli,
Dahan dahan sya para di matapon ang tubig.
Humirit pa ako ng isa pa.
Pero bakit parang iba lasa.
Naisip ko na baka nadawdawan ng daliri nya.
Pagbalik nya,
Ganun uli, dahan dahan,
Para di matapon ang tubig.
Nilagok ko uli.
Siyang dating ni misis.
Ano daw ginagawa namin.
Sabi ko nag lalaro kami.
Wow
Sabi ni misis
Sasali daw sya
Kaya natuwa si Baby namin
Pasok sya uli sa loob.
Naiwan kami ni misis sa garahe.
May bitbit syang pangsigang na bangus. Nabili kay Ka Benny.
Yung mga gulay daw kay Tiya Lydia nya nabili.
Siyang labas ng anak namin.
May dala uling tasa na may tubig.
Ibinibigay niya kay misis.
"Ano Yan?"
Tanong niya.
"Inumin yan," sabi ko habang nagpupunas ng rayos.
"Inumin?
Saan galing, e wala ng laman yung galon natin?!taka ni misis.
Napaisip ako.
Tumayo si misis at tinanong anak namin kung saan kinukuha ang tubig.
Pumasok sila kaya sumunod ako.
Nagtataka rin ako.
My God.
Nanlaki mata ko.
Diretso anak ko sa banyo
Diretso salok ng tasa sa bowl.
Halos sumuka ako,
Tawa ng tawa si misis.
- end-
(Comments highly appreciated)