Ang Pagmamahal ay Pagpili.

1 24
Avatar for MoonTrader
1 year ago

'Hindi ko alam. Saka ko na lang pag iisipan pag dumating na... '

Sabi mo nung minsang tinanong kita, kung paano pag naubos na yung kilig?

Nakita kong sumilip sayong mga mata ang bahagyang pagkainis. At sa takot kong mawala ka'y di na ako nagtanong pa ulit.

'Ikaw bahala. Ewan ko. '

Makailang ulit mong tugon. Gusto kitang sigawan, sabihing hndi ako nagtatanong dahil hindi ko alam ang sagot, kundi dahil magkasama nating binuo ang ating relasyon kaya dapat lang naman sigurong magkasama tayong magdesisyon. Ngunit muli pinili kong manahimik na lang, supilin ang kumakawalang takot sa nakaambang pamamaalam.

'Di ako sigurado. Di natin alam kung tayo talaga sa dulo.. '

Isa sa pinakamasakit sayong mga tinuran. Oo alam kong walang tiyak sa mundo pero ni hindi ka ba magpapakita ng pagnanais lumaban? Ng kagustuhang manindigan? Ng pagpapahayag ng pagpili? Ng intensyong manatili?

Pero ako din naman ang mali. Una pa lang nakita ko nang di tiyak ang iyong hangarin. Kaso ewan ko ba, di ko na napigilang ikaw ay mahalin. At kahit pa nga kay labo, naniwala ako nung sinabi mong:

'Basta mahalaga masaya tayo... '

Alam mo ba, yan ang pinakanakakatakot na katagang sinambit mo. Ng mga oras na yun naisip ko, pano kaya kung hindi na tayo masaya, mananatili pa rin ba akong mahalaga?

Alam ko na ang sagot noon pa. Pero sa kabila ng kawalan mo ng kasiguraduhan, pinili parin kita.

Alam kong ang kakulangan mo ng kakayahang manindigan at magdesisyon ay magdudulot sayo para bumitaw. Pero bakit nga ba ang pinili ko parin ay ikaw?


The most dangerous man to love is the man who does not know what he wants.

You cant love a man who is unsure of you, worse, a man who is unsure of him self. A man who refuses to make decisions is a man who refuses to be your wall, your home. Do not hand over your heart to a confused man lest he'll lead you to more ambiguity.

Yes love begins as a feeling, but it stays through series of determined decisions.

-===-

4
$ 0.51
$ 0.46 from @TheRandomRewarder
$ 0.03 from @HappyBoy
$ 0.02 from @Alther
Sponsors of MoonTrader
empty
empty
empty
Avatar for MoonTrader
1 year ago

Comments

Tama Mjay. We shouldn't commit in someone na alam natin na walang kasiguraduhan satin kasi sa huli sakit at lungkot lang ang mangyari. Dapat kayong dalawa nagkaintindihan at may love sa isa't isa.

$ 0.00
1 year ago