Alas Tres.

3 20
Avatar for MoonTrader
1 year ago

NAKILALA KITANG PARANG ALA-SAIS NG UMAGA. Tulad ka ng mainit na kapeng nagpabilis ng tibok ng aking puso at almusal na pumawi ng aking magdamag na gutom. Ikaw ay kamang naghele sakin at sa iyo, tila ayaw ko nang umahon.

INIBIG KITANG GAYA NG TANGHALING TAPAT. Matingkad ang sinag ng iyong araw at parang walang anumang bakas ng dilim. Hindi ko alintana ang nakakapasong init dahil ang batid ko lamang ay ang aliwalas sa 'yong bisig.

NAG ALINLANGAN AKONG TULAD NG DAPIT HAPON. Ang mahihinang bulungan ng mga palaka at kuliglig ay nakakapagdalawang isip pero pinili kong maniwala sa ganda ng lumulubog na araw. Sabi ko, "hindi ako dapat mag alala, panigurado sisikat kang muli bukas ng umaga".

PERO DUMATING PARIN ANG GABI. Ni hindi rin nagpakita ang buwan at sindami ng mga bituin sa langit ang kislap ng mga luhang pumatak. Pilitin man nating magsindi ng ilawan, tila hindi na mababawi ang namimintong pamamaalam.

Siguro ganito ang ating sinapit sapagkat MINAHAL MO AKO NA PARANG ALAS TRES NG MADALING ARAW. Isang panandaliang tunggalian lamang habang hinahanap mo ang iyong sarili, isang tahimik na kisameng tinitigan mo magdamag pero hindi mo ninais abutin. Isang talinghagang pansamantalang lulunas sa iyong pagkalasing.

Conclusion

Alam kong ang mga isiping dumadalaw tuwing alas tres ng madaling araw ang hindi mo maiwasang balik balikan kahit hindi mo naman gusto simula pa lang. Kaya pakiusap matulog ka na ng alas-dyis ng gabi dahil hindi na kita hinihintay. Gigising akong yakap ang aking sarili bukas, dahil di tulad mo, mahal ko ako ng walang pinipiling oras.

Kung hiniwalayan ka nya dahil daw TOXIC ka, siguro hindi ka naman talaga nya trinatong blessing. You were simply something to hold while his hands are empty. You don't deserve such a person. You don't deserve such shallow affection. if you went through this same experience, give yourself hugs tonight and believe that there is someone in the world who can love you all the time, but first that has to be YOU.

-===-

3
$ 1.20
$ 1.20 from @TheRandomRewarder
Sponsors of MoonTrader
empty
empty
empty
Avatar for MoonTrader
1 year ago

Comments

Ayyy in love na nga. Mapapayes yung liligawan mo kapag makata ka. Char.

$ 0.00
1 year ago

Yiee... Salamat ate 🥰

$ 0.00
1 year ago

That's true Mjay. No need to stay of a person if they don't know your worth, if in just a simple things they will cut what you had between you too.

$ 0.00
1 year ago