Kung ikaw yung taong nasaktan, umasa o pinaasa, may bigat sa damdamin o kung ano pa mang nandiyan sa puso mo dahil lang sa taong binigyan mo ng buong pagmamahal, pero ang sinukli sayo ay puro sakit or konting pagmamahal. Siguro sign na to para sa inyo, kung mabasa mo man to ang gusto ko lang sabihin, huwag na kayong tanga! Oo, sabihin na natin na mahal mo e, kaya nagtatanga tangahan ka kahit alam mo naman sa sarili mo na nasasaktan ka na. Yan ba yung gusto mo? Yung matutulog ka ng may bigat sa damdamin tapos paggising mo siya na naman maiisip mo at nakatulala ka na naman sa kawalan na naiwan ng mga tanong kung bakit? Bakit ka niya iniwan? Bakit ka niya pinaasa? Bakit ka niya pinagpalit? Bakit mas minahal niya pa rin yung nauna sayo or mas mahal niya yung bago niya? Bakit pangit ka ba? Kapalit palit ka ba? Bakit ang dali lang para sa kanila ang manloko? Bakit ka niya binitawan? Bakit ka niya niloko? Bakit di na kayo naguusap? O kung ano ano pang mga BAKIT na nasa isip mo! Wala na kong pake kung ano pa man yan.Ang pake ko lang, sige! Umiyak ka lang ng umiyak! Ibuhos mo na lahat! Huwag ka magtitira ng kahit ano pa mang luha na dahil sa kanya! Itulo mo lahat! Hanggang sa maramdaman mo nalang na pagod ka na umiyak, na tinatamad ka na magpunas na naman ng mga mala ulan mong luha, na namanhid ka na, na magigising ka nalang na okay ka na pala, na nagising ka na mula sa katangahan mo mula sa kanya! Huwag mong ikulong yung sarili mo sa mga bagay na magpapalungkot sayo! Magdasal ka! Kasi si Lord lang ang magheheal sayo at magfufulfilled ng pagmamahal na hindi mo naramdaman sa taong minahal mo ng sobra. Pakiusap! Magmove on ka na! Huwag ka na magistalk! Huwag mo na tignan kung online siya! Huwag ka na umasa na maaayos pa. Don't chase him/her kung hindi niya deserve. Know your worth! Learn to love yourself! Magtira ka naman ng pagmamahal para sa sarili mo! Mahalaga ka! You are amazing! You are precious! Huwag mo idown yung sarili mo! Maganda ka! Pogi ka! Hindi ka kapalit palit! Maraming nagmamahal sayo! Walang mali sayo! Binigay mo naman lahat ng pagmamahal na deserve at kailangan niya, binigay mo yung best mo, hindi ka nagkulang tandaan mo yan. Alam mo kung sino yung mali? Yun ay yung taong minahal mo ng sobra, pero ano? Wala! Nagbulag bulagan, tinake advantage ka, tinake for granted, nirebound ka, niloko ka, sila yung mga taong nagsayang, sinayang yung mga taong seryoso magmahal. Tandaan mo, sila yung nawalan hindi ikaw! Tanga din sila! Napakatanga nila! Parehas kayo! Ang pinagkaiba nga lang, tanga siya kasi sinayang ka niya, ikaw tanga ka kasi hinayaan at hahayaan mo pa din siyang saktan ka at nagbubulagbulagan ka din na okay pa kayo! Kahit ikaw nalang naman yung lumalaban. Huwag ka ng tanga! Gumising ka na sa katotohanan! Iuntog mo sa pader yang ulo mo para naman malinawagan ka na. You deserve a love that stays, you deserve to be loved. May right person din na darating sayo, maghintay ka! Everything happens for a reason, may mga bagay na hindi mo ineexpect na inalis ni Lord sa buhay mo kasi akala mo siya na talaga, na siya na yung love of my life mo, pero hindi pala, may ibibigay sayo si Lord na mas deserve mo. Yung marunong makaappreciate, marunong makita yung halaga mo, mamahalin ka ng buong buo at gagawin lahat para magwork ang relationship niyo. So yun! Huwag ka ng tanga! Ano? Magtatanga tangahan ka pa din ba?!
WAKE UP GORGEOUS AND HANDSOME! YOU DESERVED TO BE HAPPY.