A Pain of a Mother

6 38
Avatar for MommySwag
1 year ago

Ang article ko na ito ay paukol sa nakita kong post sa Facebook kahapon. Sobrang nalulungkot ako sa sinapit ng bata at sa nanay nung bata.

Bale yung nanay ay okay,pero sa tingin ko habang buhay na siyang hindi magiging okay sa nangyari sa anak niya. Sobrnag sakit sa isang ina ang mawalan ng anak,lalo na nga at bata pa ito.

Sobrang naantig ang puso ko at naluha habang pinapanood yung video. Hindi ko alam kong anong mararamdaman ko sa nangyari.

Kahapon pa naman binalak ko na magswimming din kasama ang mga kids ko. Buti nalang sinabi ng biyenan ko na bawal daw magswimming ng huwebesanto dahil nga sa panahon or araw na yun ay naghihirap si Jesus. Kung katoliko ka for sure mauunawaan mo ang aking sinasabi.

Pero sa mga hindi nakakaunawa ay sasabihin ko ang kakakunting nalalaman ko doon. Tuwing buwan ng Abril pinagdiriwang or sumasapit ang Holy Week. Kung saan ito ay ang panahon kung saan nagdusa ang ating Panginoon. Tinatawag ang week na ito bilang. Lunesanto,Martesanto, Miyerkulesanto, huwebesanto at Biyernesantoor Good Friday. Sa araw ng Sabado ay hindi ko na alam if anong tawag pero baka Sabadosanto haha sabi ko naman sa inyo konti lang nalalaman ko. Pero ang Linggo ay ang Linggo ng Pangkabuhay.Kung saan tinatawag ng iba na Easter Sunday, alam ko alam ito ng iba. Kasi ang mga bata ay naghahanap ng itlog or nag eeg hunt sila tuwing easter Sunday. Sa tSa ttag buhay ko hindi ko pa ito na experience. Kayo ba? nakaranasa ba kayo ng egg hunt?

Back to topic..

So kahapon ay magswimming ang magina kasama ang kanila kaanak. Then sabi ng ina sa kanyang wall ay nanghingi daw ang bata ng pera para bumili ng Piatos. After nun kumukuha ang ina ng bata sa bag nito,second lang daw yun. Pero pag lingon daw niya is may mga sumisigaw na mga magswimming at hawak hawak na raw ang anak niya. In short nalunod yung bata in a second na yun,na nawaglit ang mata ng ina.

Kung ako tatanungin hindi naman gugustuhin ng ina yun, walang ina nagustong mapahamak ang anak. Kaya sa mga taonanghubusga sa ina,huwag na sana nilang dagdagan yung burden nung ina s apagkawala nung anak niya. Sobrang sakit yun para sa nanay.

Para sa ina condolence po sis.

Hindi madlai ang mawalan lalo na ng mahal sa buahy. Wala din akong masasabi sayo kung ano ang gagawin para malimutan yan. Dahil kahit ako ay dinidibdib ko parin ang pagkawala ng aking ina. Ang masasabi ko nalang magpakatatag ka dahil may mga anak kapa ata na nangangilangan sayo. Walang kahit sino or ano ang makakaheal ng sakit,dama ko yan dahil annggaling ako sa ganyan.

Para s amga taong sinisisi yung nanay. Masasabi ko lang. Walang ina ang gustong mapahamak ang anak. Kaya tigilan niyo na po ang paninisi sa ina.

Hiling ko ang kapanatagan ng loob ng ina sa video. Mahirap oo,pero hindi na mababalik ang panahon. Kasi kung pwede lang ibalik. Babalik din ako sa panahon na buhay ang aking ina.

4
$ 0.03
$ 0.03 from @TheRandomRewarder
Sponsors of MommySwag
empty
empty
empty
Avatar for MommySwag
1 year ago

Comments

Nalunod ba be? Need talaga bantayan kapag bata huhu

$ 0.00
User's avatar Yen
1 year ago

oo sis.. nalingat lang saglit yung nanay ayun na nangyari.. Sinisisi nga siya ng iba dahil iniisip na hindi niya binabantayan yung bata. Pero siguro hindi naman ganun yun. Wala namang nanay ang guatong mangyari yun sa anak nila.

$ 0.00
1 year ago

Ang hirap siguro g dinanas ng pamilya lalo na sa ina.Mag iingat talaga palagi kasi hindi natin malalaman ang posibleng mangyari.

$ 0.00
1 year ago

totoo yan sis.. kaya ako naiisip ko tuloy huwag ng magouting.. kaya lang mga bagets din kasi yung memories ba nila.

$ 0.00
1 year ago

Napakalungkot naman ng pangyayari na yan. Kaya kailangan mag ingat lalo pa holy week.

$ 0.00
1 year ago

Kaya nga sis.. hays kaya bukas. linggo ng pangkabuhay nalang kami magouting.

$ 0.00
1 year ago