"Tutuloy ko pa ba sa ABM?"
"Mahirap daw mag ABM eh."
Yan lang naman yung mga pumapasok sa isip ko dati bago ko pasukin ang mundo ng ABM. Sa mga studyante jan especially sa mga grade 10 students na under ABM ang gustong course in the future na natatakot dahil sa mga ganito ring naririnig, please DON'T!
First, hindi naman po nangangain mga teachers na nagtuturo sa ABM, sa katunayan mababait sila at matataas pa magbigay ng grades. Marami din silang ishi-share na magagamit niyo in the near future. Second, hindi rin nangangain ang magiging kaklase niyo, magiging parang palengke lang siguro classroom niyo dahil sa sobrang ingay ng magiging kaklase niyo pero natural naman yun kasi nasa academic track at tyaka ganun talaga kalakalan sa ABM. Third, hindi nakakamatay mga subjects. Well, ewan ko na lang sa Accounting at Finance. Tsar haha😂.
Ganito kasi 'yan. Oo, medyo mape-pressure kayo sa mga teachers niyo kasi nga "nAsA ABM kAyO" pero for me, normal lang naman 'yong pressure sa mga nasa academic track. Hindi lang po ABM students ang nakakaranas ng matinding pressure. Kahit nasaang strand ka pa, hindi mawawala 'yan. Kasi lahat naman ng strand eh mahirap, wala namang madali eh. Nasa'yo parin kung pano mo lalaruin. So, ba't ka matatakot mag ABM?
Kapag nahihirapan ka sa ABM, huwag na huwag mong isipin na hindi ka magaling o kaya hindi mo kakayanin kasi hindi ka matalino. Because at the first place, hindi lahat nagkaroon ng lakas ng loob para pumasok sa strand na'to. Magiging stressed kalang, but it doesn't mean na magfe-fail kana as a student.
Point is, hindi mo kailangang isuko ang pangarap mo dahil lang sa takot mo. Magpapatalo ka ba sa takot? Magpapatalo ka ba sa mga naririnig mo lang? Mali 'yon! Maling mali!
Kung ako sa'yo, mag ABM ka lalo na kung nasa ABM ang gusto mong course. Tsaka, hindi po lahat ng ABM matalino, yung iba naligaw lang katulad ko, tsar haha. Hindi po gano'n. Marami po kaming mga nasa ABM dahil sa pangarap namin, hindi dahil sa utak namin. Andito kami kasi gusto naming maging Accountant, Entrepreneur, Manager, Customs, Flight attendant, at Property Specialist pero nasa average lang din kami at kung nakakaya nga namin yung mga subjects sa ABM, siyempre lalo na kayo😉! Sabi nga ni Jesse M. Robredo "Follow your heart, Pursue your dream."
Laban lang Accountancy, Business and Management students! 🙂💓