Winning is not always everything.
"Since narito ka na rin lang sasabihin ko na ang dahilan ko kung bakit ko kayo hinihintay dito" sabi ni Jace.
"Ganito kasi iyon, magpapatulong sana ako sa inyo na hanapin yung totoo kong tatay pero ilihim muna natin ito sa aking ina dahil sigurado akong tututulan lang niya tayo."
"So kailan mo naman balak na hanapin natin ang totoong tatay mo?" tanong ko sa kaniya.
"In the soonest time sana pero since kakasimula pa lang ng klase ay baka sa summer na lang."
"Matagal pa pala" sabi naman ni Anne. "Oo, pero for the mean time hanapin muna natin yung lumang papel na naglalaman ng mapa na magtutungo sa itinagong kayamanan ng mga Jacinto."
Agad-agad umagree si Anne sa sinabi ni Jace dahil sino ba naman ang may ayaw sa kayamanan?
Ngunit sa sinabi ni Jace ay bigla akong kinabahan. Ewan ko pero parang natagpuan ko na ang hinahanap niya.
Mukhang yung dalawang piraso ng papel na napulot ko ang mapa. Pero natatakot ako. Hindi ako makapag-decide kung sasabihin ko na ito sa kanila o hindi.
"At alam ko na kung saan tayo magsisimula" sabi ni Jace sabay tingin sa akin. Tila ba alam niyang may ganon akong napulot na klase ng papel.
"Since napunta na din diyan ang usapan, may gusto sana akong sabihin sa inyong dalawa" simula ko.
"Ano naman iyon?" biglang tanong ni Anne.
"Tungkol sa mapa."
"Ano naman ang alam mo diyan?" Sabay nilang sabi.
Ewan ko kung umaarte lamang si Jace na mayroon akong alam pero binalewala ko na lamang ito at nagpatuloy sa pagsasalita.
"Nitong nakaraan kasi ay may napulot ako na dalawang pirasong papel na tila iisa lang. Pero hindi ako sigurado kong ito yung hinahanap natin. Jace, alam kong may kutob ka na noon pa about sa hawak kong papel pero tinanggi kong ibigay sayo noon dahil hindi pa kita lubusang kilala noon. But, since I already heard your story at magkakilala na tayo maybe it's about time for us to open it."
Inanyayahan ko sila sa taas upang kunin yung dalawang papel.
Pagkarating namin doon ay agad kong binuksan ang aking kahon kung saan ko ito itinago pero laking gulat ko ng mapansing nawawala ito.
Sa una ay nag-alangan ako na baka pagsuspetsaan nila ako na sadya ko itong itago pero ni isang salita ng pagdududa ay hindi ko narinig sa kanila.
Sa halip ay sinabi nilang baka naririto lang sa kwarto iyon kaya hinalubhob namin pero hindi namin ito natagpuan.
Sumuko na kami dahil parang naglaho na ito na parang bula pero bigla kong naalala yung mga salitang nabasa ko noon.
"Teka natatandaan kong isinulat ko yung nakasulat don."
Hinanap ko yung papel na pinagsulatan ko sa mga salitang banyaga na iyon at ipinabasa sa kanilang dalawa.
"Esto volverá a ti en el momento adecuado"
Agad namang sinearch ni Anne ang mga salitang iyon para mai-translate sa wikang Filipino at ang lumabas na resulta sa mga salitang espanyol ay "Ito ay babalik sa iyo sa tamang panahon."
--*--
"Just keep in your mind that focus is such a precious thing that's why don't ever lost it"
Simula kahapon ay puro pagrereview at pagbra-brainstorming ang aming ginawa. Iba't ibang klase ng math problems tsaka riddles ang aming sinagutan. Pero we need this to win the contest.
This day, Ma'am Maricar told us that we are going to do an amazing race. It sounds great for me that's why I felt the excitement.
Napansin kong kanina pang excited ang dalawa. Maybe because it's our first time to experience it.
"Kahapon ko sinimulan ang paggawa ng mga hints and challenges" panimula ni ma'am. "Thanks to God because He let me finish it."
Then, she gave us the first challenge and she told us na mag-uunahan kaming matapos ang buong race para sa isang premyo.
"Winning isn't everything--but wanting to win is." ― Vince Lombardi