Triumphant

0 21
Avatar for MjAcato
3 years ago

Makalipas ang limang minuto ay napansin kong malapit ng mabuo ni Trez ang sa kanila. Bakas sa mukha ni Juan at iba pa ang pagka-pressure. Ilang sandali pa ay napatalon sa tuwa ang grupo nina Trez, mukhang nakuha na nila ang code at nakita kong 185613 ang nabuo nilang code. Napansin kong nakatingin sina Mickey sa code na nabuo nina Trez tapos sinabihan na niya ang ka-grupo niya na pumunta na sa dulo ng maze para buksan ang pintong nakalaan sa kanila kahit hindi pa siya tapos. Akala ko iisa lang ang code pero ng matapos si Juan, ang code na nabuo niya ay 135274.

Matapos malaman ang code ay agad na din kaming tumakbo patungo sa dulo ng maze para buksan ang isa sa mga pinto. Itinatak ko sa aking isipan yung code.

Mula sa malayo napnsin namin ang sabay na sabay na pagkalagapak nina Trez. Mukhang natisod ang isa sa kanila na naging dahilan ng pagkadapa nila. Tumawa si Anne habang akmang pabalik ulit si Juan na siyang ipinagtaka ko. Ng tanungin ko siya at nalamang nalimutan niya ang code sinabi kong minemorize ko ito kaya muling nanumbalik ang eagerness niyang manguna kami sa karera.

Naabutan na namin sina Trez na ngayo'y binibigyan ng first aid. Ilang sandali pa ay nakita ko mula sa likod namin na bumalik na sila sa pagtakbo kahit kapansin-pansin sa mukha nila ang sakit na dulot ng pagkakadapa nila kanina.

Sa dulo ay may limang pintuan. Sa bawat pintuan ay nakalagay ang pangalan ng bawat team. Biglang nagalit si Pancho. Mukhang sinisisi niya si Mickey dahil kung hindi ako nagkakamali ay hindi gumana yung code na ninakaw ni Mickey kina Trez.

Sabay ang grupo namin at nina Trez na dumating sa harap ng pintuang nakalaan sa amin. Agad na inilagay nina Trez ang code. Bigla kaming nag-alala dahil baka sila na ang mananalo pero ng binuksan niya ang pinto after entering the code ay hindi ito bumukas hudyat na mali ang code na nai-enter niya. Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa agad kong sinubukan yung code na minemorize ko.

1

3

5

2

7

4

While typing the code ay pabilis ng pabilis ang tibok ng aking puso at mas lalo pang bumilis ito ng biglang may bumukas na pinto.

(opps gusto mong malaman kung kaninong pinto yung bumukas? Like and comment muna. Joke lang haha)

Ang pintuan namin ang unang bumukas. Agad naming naabutan ang ibang players na hindi pinalad sa labas at ang iba pang mga tao kabilang si ma'am Maricar na sobra ang tuwa ng makitang kami ang unang nakalabas sa Maze.

It only means one thing.

"Yes!" sabay na sabi nina Juan at Anne. Walang kaduda-duda kami nga ang nanalo. Nagsimulang magputukan ang mga confetti kasabay ang pagcongratulate sa amin ng mga namumuno at ang sigawang ng mga tao.

Ilang sandali pa ay bumukas na rin ang pintuan nina Trez.

We are indeed the winners. Nagkaroon man ng maraming conflicts but we never surrender, hindi namin sinukuan ang goal naming manalo. 

Ngunit kahit pa kami ang nanalo, nanatili kaming humble dahil naniniwala kami na ang self-praise ay para lamang sa mga losers.

On the other hand, Itinanghal naman na 2nd place ang Team Mixers na kinabibilangan nina Trez Trois, Ian Perez, at Lovely Xander.

3rd place naman ang Team Doraemon na kinabibilangan nina Vince Nobi, Dane Pardo, at Ramon Nomar.

Samantala, ang Team Detectives na kinabibilangan nina Juan dela Cruz, Mendy Mendoza at Manny Steves at  ang Team Gamers na kinabibilangan nina Mickey Anyog, Cordapia Sanchez, at Pancho Domingo ang 4th and 5th place respectively.

3
$ 1.38
$ 1.38 from @TheRandomRewarder
Avatar for MjAcato
3 years ago

Comments