"The more you take, the more you left behind."

0 20
Avatar for MjAcato
3 years ago

Mas lalo pang naging ganado sina Mickey at ang kanyang mga kasama maliban na lamang sa dalawa pang grupo na nakapasok na tila sumasang-ayon kina Trez.

Mula sa limang grupo na nakapasok sa final round, dalawang allied groups ang nabuo. Isa ang team namin at nina Mickey habang Team Trez naman ang isa pa, kabilang dito ang Team Detectives, Team Doraemon, at siyempre ang team nina Trez, ang Team Mixers.

Ngunit batid kong pagdating sa pinakamalapit na parte ng labyrinth ay magkakaniya-kaniya na rin ang lahat ng mga grupo.

Bakas sa mukha ni Trez na ayaw niyang magpatalo. Ganoon din ang dalawa pang grupo na kaniyang mga kasama na tila mga kampon na niya. Para bang may nagbabagang apoy ngayon sa pagitan ng aming mga grupo.

Ilang sandali pa ay tumunog na ang kampana, hudyat na magsisimula na ang last challenge, at lahat kami ngayon ay tila nasa isang labyrinth. Paunahang makarating sa dulo kung saan matatagpuan ang daan palabas.

Unang tumakbo si Ramon. Ngunit makaraan ang ilang sandali ay bigla na lamang siyang natumba. Biglang tumawa ang ibang grupo. Agad naman siyang pinuntahan ni Manny. Malapit na siya sa kinaroroonan ni Ramon ng biglang matumba rin siya.

Tumawa na naman ng malakas ang kabilang grupo. Mapapansing nag-iisip ng mabuti sina Mickey at Pancho. Tila ba may kakaibang nangyayari sa araw na ito. Para bang planado ang lahat ng nangyari kani-kanina lamang.

"Mga lampa! hahaha" banggit ni Jace habang tumatawa ng pagkalakas-lakas.

"Hayaan mo na ang mga iyan, bilisan mo na lamang para tayo ang manalo" sabi naman ni Anne sabay hila kay Jace habang ako naman ay wala pa ring tigil sa pagtakbo.

Mapapansing napakatahimik lang ni Cordapia. Para bang nag-iisip rin siya ng malalim na parang hindi. Hindi pakakakitaan ng kahit anumang emosyon ang kanyang mukha.

Bumangon ang dalawa mula sa pagkakatumba.

"Ang sakit non ah! Nasira tuloy tong hairstyle ko!" sambit ni Boy Johnny.

"At talagang yang buhok mo pa ang una mong inisip" sabi naman ni Ramon na tila hindi nasisiyahan sa nangyayari.

Pinagmasdan kong mabuti ang lugar na pinangyarihan ng aksidente.

Biglang lumaki ang dalawang mata ko. Bakas sa lupa na hindi aksidente ang naganap. Batid kong may nagplano talaga nito at ito ang nais kong tuklasin. Hindi muna ako nagsalita tungkol dito sa iba kong kagrupo dahil baka mali ang kutob ko.

Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang marating namin ang isang pader na may nakasabit na mga clues. Agad kumuha ng isa si Mickey at ganon din si Jace. Sabay nilang binuklat ito.

"Magandang umaga sa inyong lahat! Ito na ang huling clue para marating niyo ang pinakahuling yugto ng Amazing Race na ito. Kailangan niyo lamang sagutin ang bugtong na ito:

"The more you take, the more you left behind."

Good luck!"

Matapos basahin ni Jace ang laman ng clue, agad na nagsalita si Anne.

"Alam ko ang sagot diyan."

"Weh? Maniwala ako sa'yo?" sabi naman ni Jace na tila wala siyang tiwala kay Anne.

"Siyempre pagkain ang sagot! Bakit? Siyempre kapag marami kang kinuhang pagkain siyempre mag-iiwan ka ng tae, hahaha"

3
$ 0.00
Avatar for MjAcato
3 years ago

Comments