Sa halip na dumamay ako sa dalawa, ngumisi na lamang ako. Pinabayaan ko na lamang silang dalawa para makapag-isip akong mabuti.
Hindi namin namalayan na naroroon na din pala ang tatlong grupo at tila ba paalis na rin ang grupo nina Trez. Hindi nga ako nagkamali, paalis na nga ang grupo nila.
Makaraan ang ilang sandali nasagot na rin ng iba ang bugtong. Maging sina Mickey na ngayon tila paalis na rin.
Ewan ko ba kung bakit pumayag ang dalawang kasama ko na makipagkampihan muna sa kanila gayong kalaban naman namin sila.
Kami na lang talaga ang natira. Dahil sa pangyayaring iyon, hindi kami tuloy makapag-isip ng matinong sagot. Hanggang sa mapansin ko ang paulit-ulit na paglalakad ni Jace.
"Alam ko na ang sagot" banggit ko sa aking mga kasama.
"Sige ano ang sagot?" tanong naman ni Anne.
"Footsteps! oo, footsteps ang sagot."
"Ay oo nga no!" masiglang sabi naman ni Jace.
Lingid sa kaalaman ng dalawa, napansin kong tila wala pa talagang sagot ang grupo nina Cordapia. Mukhang nagpanggap lamang ang mga ito para makapagtago at para masundan kami. Sa kabilang banda naman, may plano na naman yatang ginawa ang grupo nina Trez.
"Teka parang kanina pa tayo dito? Tila ba wala itong katapusan!" sambit ni Mickey na sinang-ayonan naman ng iba.
Gaya ng naisip ko mukhang sinadya nilang mauna kunwari para makapaghanap ng matataguan. Kung sa akala nila ay hindi ko napansin 'yun, pwes nagkakamali sila.
Ilang sandali pa ay bigla akong naka-isip ng magandang ideya. Nag-iwan ako ng palatandaan sa kinaroroonan namin ngayon at nagpatuloy na kami nina Anne at Jace sa paglalakad habang tumigil muna sina Mickey dahil mukha yatang napagod na sila.
Kami ngayon ay nandito ulit sa mismong lugar na kung saan ako nag-iwan ng mga palatandaan. Tama na naman ang kutob ko.
"Teka lamang, talagang may mali dito" sabi ko sa dalawa.
Sa hindi inaasahang tagpo, bigla napatawa ng mahina si Mendy ngunit tanging ako lamang yata ang nakapansin dito. Mula sa sandaling iyon, tiyak kong may mali talaga sa mga nangyayari at sa mga kinikilos ng grupo ni Mickey.
Nagtaka ang lahat ng bigla akong huminto. Ang dating maamong mukha ni Cordapia ay ngayo'y puno na ng pagtataka. Mula sa sandaling iyon bigla nang kumaripas sina Mickey at Pancho at agad ding sumunod si Cordapia.
Naiwang tulala ang lahat ng natira sa lugar na iyon maliban sa akin. Muli ko naman silang pinaalalahanan na huwag magpaapekto sa nangyari.
Sa sandaling iyon, muling nabuhayan ang lahat ay ipinagpatuloy ang karera.
Tinanong ako ng dalawa kung bakit ko sila pinahinto gayong ituturo naman ng clue na hawak namin ang susunod na clue card na hinahanap namin.
"Wala roon ang tunay na clue card, isang pakulo lamang ang inyong nasaksihan. Gaya kahapon, may ahas dito na siyang nagtaktaksil at iyon ang grupo nina Mickey" sabi ko sa kanila.
Mukhang tama ang hinala kong nakipagsabwatan ng palihim ang grupo nina Mickey sa grupo nina Trez para lituhin kami. Little did they know, ang grupo nina Mickey ang nalugi dahil wala silang napala in return sa ginawa nila.
"So ano ngayon ang totoo?" Tanong ni Jace.
"The more you take, the more you left behind." sabi ko ng mahina.
"Footsteps nga" si Anne.
"Oo, maaaring sagot iyan pero kung talagang iyan ang sagot eh sana kanina pa natin nahanap yung next clue pero as of now wala pa rin at isa lang ang ibig sabihin nito, hindi iyon ang sagot"
"Eh ano?" tanong nila.
"The more you take, the more you left behind. It's a faux pas" sabi ko ulit sa kanila na kanilang pinagtaka.
"Habang patuloy nating sinusundan yung mga bakas, the more na napag-iiwanan tayo." paglilinaw ko sa kanila. Agad naman nilang naintindihan ang aking sinabi.
"Ang galing mo talaga, Juan!" sabi ni Anne sabay kurot sa pisngi ni Juan. Kung sabagay it is the final round kaya hindi nakapagtataka na best of the bests na ang mga natira.
Nang magsimula akong maglakad patungo sa kumikislap na parte ng pader na kanina ko pa napapansin ay sumunod din sila. Habang papalapit kami ng papalapit doon, hindi mapigilan ang malakas na pagtibok ng puso naming tatlo. Dinig na dinig ko ang tibok ng aking puso.
Pagkatapos kong makarating sa nasabing parte ay agad ko itong hinawakan. May isa pang card na nakatali doon sa pinakamataas na parte nito. Umakyat ako at kinuha ang nag-iisa na lamang na gold card na mukhang naglalaman ng susunod na clue patungo sa huling bahagi ng karera. Ang bahaging siyang pinaka-importante sa lahat dahil iyon ang magsisilbing basehan kung sino ang tatanghaling kampeon sa karerang sinalihan namin.
Bago kami umalis ay sinabi ko silang magtago muna sa likod ng puno dahil naka-isip ako ng magandang ideya. Dahil kanina ko pa napapansin ang grupo nina Cordapia na sumusunod na naman ulit sa amin ay sinadya naming iwan ang sapatos naming tatlo doon sa may pader pero sinigurado kong magmumukhang nandito pa rin kami gamit ng mga sapatos para ma-stuck ang group nina Cordapia sa kinaroroonan man nila ngayon para magsilbing karma dahil ito ang nararapat sa kanila.