We went home together this day. Until now, What had happened a while ago hast did not sink in yet. One of my dreams is about to come true and I really feel excited about it.
Pagdating sa dorm, tila ba may bumubulong sa akin pero hindi ko naman maintindihan. Napansin ito ng dalawa kaya tinanong nila ako. "Bakit? Anong problema?" sabay nilang tanong. "Wala, nevermind."
Kinagabihan, sabay-sabay kaming kumain. Tanging ang mga tunog ng mga kobyertos ang maririnig. Dahil nabalot ng katahimikan ang buong paligid, sinimulang magsalita si Anne.
"Hoy ang galing niyo kanina ha. Pero siyempre tama rin yung sagot ko. Yun nga lang naunahan niyo ako pero it's okay at least nakapasok kayong dalawa." panimula niya.
"Wala yun tsamba lang" sabi ko. "Anong tsamba, ang tindi kanina ng focus mo" si Jake. Kungsabagay, he's right. Well, I admit na talagang I gave my very best from that preliminary test.
Pagkatapos kung hugasan ang pinagkainan naming tatlo ay dumiretso na sila sa may swing sa labas ngunit pumunta muna ako sa taas para kuhanin yung invitation card para sa contest.
Habang palapit ako ng palapit sa kinaroroonan nila ay palakas naman ng palakas ang naririnig kong kanta. Malamang nagjajamming sila. Nang nasa harap na ako ay mas lalo kong narinig ang pagkanta ng dalawa.
Nag-aacapella lang sila pero napakagandang pakinggan ang kanilang boses hindi ko tuloy maiwasan ang sumunod sa kanilang pagkanta. Nang mapansin nila iyon ay bigla na lang silang tumigil sa hindi malamang dahilan.
"Ano ba naman yan Jules, sinira mo naman yung maganda na naming pagkanta."
Aray naman, ang sakit naman ng sinabi ni Maine. Tapos isa pa tong si Jake na tawa ng tawa.
"Sorry naman, hindi marunong yung tao e. Tsaka pupurihin ko na sana kayo pero huwag na lang, nagbago na ang isip ko." pabirong sabi ko naman pero seriously, they are great singers.
"Yan ba yung invitation card para sa contest sa UM bro?" si Jake. Sinagot ko naman siya ng oo tapos unti unting kong binuksan ang sobre para mabasa ang nakasulat dito.
"Extramazing Race"
February 18-22, 2020
University of Manila
Nagulat ako ng malamang sa susunod na linggo na pala ito magaganap at ang mas nakakagulat ay 5 days ito so meaning matagal-tagal din ang pag-sstay namin doon. Tila isang talang patuloy na nagniningning mula sa kalangitan ang aking nakamit.
Ayon dito sa kasamang memo ay 3 days lang yung contest proper tapos tag-iisang araw naman yung symposium at paglilibot sa buong university.
Pero teka alam na kaya ni Hannah na sa lunes na ito magsisimula? Para malaman ang sagot niya agad ko siyang sinendan ng isang private message.
Jules: Sa lunes na pala yung contest.
sent
Kasabay ng pagka-sent ng aking message ay may message ring ipinarating si Hannah.
Hannah: Alam mo na bang sa lunes na yung contest?
Ng mabasa ko ito ay napa-smile na lang ako. So alam na rin niya.
Ilang segundo lang matapos ang conversation namin ng biglang may dalawang bagong group chat na nagpop up sa phone ko. Isa para sa section namin at isa naman para sa aming tatlo kasama si ma'am, siguro para sa contest ito. Buti na lang at ibinigay sa akin ni Anne itong old phone niya kahapon dahil napansin niyang de-keypad lang ang aking dating cellphone.
Una kong binuksan ang gc para sa contest dahil for sure, my classmate will get to know more about each other. Pero bago ko pa man mabasa ang laman ng gc, ay napansing kong abot tenga ang ngiti ng dalawa, siguro ay sa bagong gc ng klase sila nakatambay sa mga oras na ito.
Ma'am Maricar: Ok guys tomorrow is the start of our review at sigurado akong nabasa niyo na ang nilalaman ng sobre, right? kaya kampante akong you will give your attention to this.
Iyan ang unang sinabi ni ma'am tapos nabasa ko yung reply ni Hannah which is "yes ma'am."
Ma'am Maricar: But before I forgot, pati sa weekends ay magkakaroon tayo ng review and some physical activities dahil malakas ang kutob ko na parang sa reality show na amazing race ang peg nito.
Sumagot naman ako ng "okay ma'am."
Bigla na lang akong inantok kaya naman sinabihan ko na ang dalawa na mauuna na akong pumasok sa loob dahil inaantok na ako pero nakatambay pa rin sila sa gc namin at tila hindi naman nila binibigyang pansin ang sinabi ko kaya pumasok na lang ako sa loob.
Kinabukasan, mukhang mas maagang nagising si Jace. Bumaba muna ako para makapaghanda ng pagkain. Hindi ko rin maaninag ang anino ni Maine. Siguro may binili lang sila sa labas.
Pero biglang lumaki ang dalawa kong mga mata ng mapansin silang dalawa sa labas na tila nagmamadali.
This time, naisip kong baka gagawin rin nila ang ginawa ko sa kanila kahapon. Ganito pala ang feeling ng maganon.
I take a deep sigh bago ko ipinagpatuloy ang pagnguya sa aking kinakain.
Buti na lang at hindi ako nalate. Ayaw ko pa naman yung feeling na pinagtitinginan ka ng ibang estudyante sa hallway. Para kasing nasa center of attraction ka kapag nasa ganon kang pangyayari.
Ini-excuse muna kami ni Ma'am Maricar sa aming ibang klase para makapag-review.
Iba't ibang math problems at riddles ang ipinaharap sa amin ni ma'am because she said that malakas ang kutob niya na parang ganon din sa test na ibinigay sa amin ni ma'am kahapon ang ibang challenges sa race.
After 2 hours and thirty minutes, narinig kong nag-aalburoto na ang aking tiyan. Sakto namang break time na kaya sinabihan namin si ma'am na bibili muna kami ng pagkain ngunit sinabi ni ma'am na manatili na lang kami sa aming upuan at hintayin muna siya dahil may kukunin daw muna siya.
Sa isip ko, parang ayaw kaming bigyan ni ma'am na bigyan ng pagkakataong bumili muna ng pagkain namin. Talagang nagagalit na ang mga bulate sa aking tiyan, mas lumalakas pa ang paghuni nito at napansin rin nila Hannah at Jake yung paghuni ng aking tiyan kaya andoon sila, palihim na tumatawa.
Ilang sandali pa ay dumating din si ma'am dala-dala ang isang kahon ng pizza at soda. Mukhang nag-order pa si ma'am sa Shakey's. Mali pala ang aking hinala. Nahiya tuloy ako.
Habang kumakain kami ay hindi maitago ni Jake ang pagkagalak dahil inilibre kami ni ma'am. Ganon din ako pati na rin si Hannah. Sino ba naman ang hindi magagalakan sa ganitong pagkain. Ang sarap talaga ng hawaiian pizza ng Yellowich.
Pagkatapos naming magmeryenda ay pinasalamatan muna namin si Ma'am Maricar na nag-abala pang orderan kami ng masarap na pagkain.
Napagod ang utak ko sa kakareview kanina kaya heto kami ngayon nina Jake at Maine sa Eternitea para magrelax dahil sa nakakapagod na araw na ito. Sa una ay ayaw kung sumama dahil nagtitipid ako pero sadyang mapilit ang dalawa. Sinabi nila na itrea-treat daw nila ako kaya sa huli ay sumama rin ako sa kanila.
Isang milk tea ang inorder ko ganon din sina Jake at Maine. Habang iniinom namin ang milk tea namin at nagrerelax napansin ko sa isang sulok ang isang babae. Agad ko siyang nilapitan, hindi nga ako nagkamali. Si Hannah yun.
Nagulat siya ng mapansin niya ako. So ayon sinabi ko na nandito rin si Jake at si Hannah kaya sinabihan ko siyang pumunta na lang siya sa aming table.
Nang makarating kami ni Hannah sa table namin nina Jake ay agad ding binati ni Jake si Hannah ng isang hi. Bale nagkaroon kami ng pag-uusap tungkol sa buhay namin at napag-alamanan kong introvert talaga si Hannah at tanging sa mga ka-close niyang people lang siya sumasama.
Ng matapos kaming makwentuhan ay naubos na rin ang aming mga milk tea at dahil malapit na ring dumilim ang paligid kaya napagpasiyahan naming umuwi na.
Along our way, may napulot akong lumang papel sa daan na kapareha ng unang papel na napulot ko noon. Napansin kong piraso lamang ito kagaya din ng unang papel na nasa akin kaya pumasok sa akin na baka magkapereha ang dalawang lumang papel kaya binulsa ko ito. Pero ano ba talaga ang ibig sabihin ng mga bagay na ito?